Paolo Ballesteros, nagbahagi ng isang maikli at puno ng pagmamahal na mensahe para sa kaarawan nila ng kaniyang anak na si Keira

Kinilala ang aktor na si Paolo Ballesteros bilang isa sa mga mahuhusay at magagaling na komedyante sa mundo ng showbiz.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Sa kaniyang kamangha-manghang talento at husay pagdating sa panggagaya ng mga kilalang personalidad, mapa local man o Hollywood ay hindi nakapagtatakang binansagan si Paolo bilang Make Up Transformation Guro sa industriya ng showbiz.

Ngunit hindi lamang mahusay na aktor at magaling na impersonator si Paolo kundi isa rin sa mga hinahangaan na celebrity dad pagdating sa kaniyang napakagandang anak na si Keira Claire.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Si Keira ang anak ni Paolo sa kaniyang dating kasintahan na si Katrina Nevada.

Hindi man nauwi sa happy ending ang kanilang relasyon ni Katrina ay nagpatuloy naman ang kanilang magandang ugnayan at pagiging mabuting magkaibigan para sa kanilang anak.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Isinilang ni Katrina si Keira noong November 29, 2008 sa Northwestern Memorial Hospital sa Chicago, Illinois, na siyang kapareho rin ng araw ng birthday ng Eat Bulaga host.

Kaya naman nito lamang Martes, November 29, 2022, ay masayang ipinagdiwang nina Paolo at Keira ang kanilang kaarawan ng magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)


Sa litratong ibinahagi ni Paolo sa kaniyang Instagram, ay makikita ang napakagandang litraro ng mag-ama na kung saan ay talagang hindi maitatanggi ang pagiging malapit ng aktor sa kaniyang anak.




Credit: @pochoy_29 on Instagram

Kahit busy man sa kaniyang trabaho bilang isang aktor at TV host, ay hindi nakalimutan ng aktor na pasayahin ang kaniyang anak at ilaan ang kaniyang oras upang makasama ito at maipagdiwang ang espesyal na araw nila ng magkasama.

Isang maikli at taos pusong mensahe at pagbati ang ipinaabot ni Paolo para sa birthday celebration nila ni Keira.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Aniya, “Happy birthday to us my darling daughter, I love you”.

Maging ang mga kilalang personalidad sa showbiz tulad nina Rodjun Cruz, Boobay, Eric Tai, Kimpoy Feliciano, Ryan Agoncillo, Miles Ocampo, Pia Guanio-Mago, Geneva Cruz, Joey De Leon, Maja Salvador at Carla Abellana ay ilan sa mga nagpahatid ng kanilang pagbati para sa maligayang kaarawan ng mag-ama.

The post Paolo Ballesteros, nagbahagi ng isang maikli at puno ng pagmamahal na mensahe para sa kaarawan nila ng kaniyang anak na si Keira appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments