Dating Child Star na gumanap bilang ‘Ningning’ na si Jana Agoncillo, taglay ang kahanga-hangang kagandahan ngayon

Sino nga ba ang makakalimot sa napaka-cute na batang si Ningning na bumihag sa puso ng manonood dahil sa kaniyang ipinamalas na husay at galing noon sa pag-arte?

Maraming taon na ang lumipas nang huling masilayan sa telebisyon ang batang si Ningning o mas kilala sa totoong buhay na si Jana Agoncillo.


Credit: @janapatching on Instagram

Sa kaniyang taglay noon na kakyutan at maamong mukha ay hindi rin nakapagtatakang hinangaan si Jana ng publiko, dahil sa kaniyang ipinakitang husay at talento sa pag-arte mula sa mga teleseryeng kaniyang ginampanan tulad ng “Ningning”, “Honesto”, “Starla”, at “Dream Dad”.

Sa kaniyang murang edad pa lamang noon ay nabihag na ni Jana ang puso at atensyon ng mga manonood.


Credit: @janapatching on Instagram

Kaya naman noong taong 2015 ay pinarangalan si Jana bilang “Best New Female TV Personality” sa 29th Star Awards for Television, na kung saan ay nakamit niya ang parangal na ito laban sa iba pang nominadong artista noon, gaya na lamang nina Loisa Andalio, Maris Racal, at Maine Mendoza.

Sa kabila ng pagkilala sa kaniyang natatanging abilidad at husay upang maging isang matagumpay na bituin sa industriya ng showbiz, ay dito naman nagsimulang magpahinga si Jana sa kaniyang karera, at unahing gampanan ang kaniyang responsibilidad bilang isang estudyante ngayon.


Credit: @janapatching on Instagram

Matagal mang hindi nasilayan ang dating child star sa telebisyon, ay patuloy pa rin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang buhay sa social media.

At nito lamang nakaraan ay ginulat nga ni Jana ang publiko matapos masilayan ang kaniyang mga larawan ngayon sa social media na kung saan ay makikita ang malaking pagbabago sa kaniya.


Credit: @janapatching on Instagram

Tila bulilit no more na ang dating aktres dahil ngayon ay makikita sa mga larawan ni Jana, ang kaniyang unti-unting pagdadalaga, na kung saan ay habang tumatagal ay mas lalong lumalabas ang kahanga-hangang kagandahan nito.

Sa kaniyang edad na 14, ay hindi maikakaila ang malaking pagbabago sa pisikal niyang anyo.

Marahil ang batang si Ningning noon na may napakacute at maamong mukha, ngayon ay isang nakapagandang Jana ang masisilayan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jana Agoncillo (@janapatching)


Sa mga larawang ibinahagi ni Jana kamakailan sa kaniyang Instagram, ay hindi naitago ng mga netizens ang labis na paghanga sa kaniyang big transformation ngayon bilang isang dalagita.

Tunay ngang sa kabila ng kaniyang mga ginampanang role noon sa teleserye, ay marami pa rin sa kaniyang mga tagahanga ang nangangarap na siya ay muling masilayan sa telebisyon.




Credit: @janapatching on Instagram

“Wow. Ang pretty😍 dalaga na si ate ningning 😍”.

“Ganda naman ni jana dalaga na ang bilis talaga ng panahon 🥰🥰🥰”.

“Dalaga na si Ningning❤ sana magkaroon ka na ulet project ❤”.


Credit: @janapatching on Instagram

“Sana may project ka na ulet 😍”.

“Pretty balik kana sa tv idol 🤗😍😭

The post Dating Child Star na gumanap bilang ‘Ningning’ na si Jana Agoncillo, taglay ang kahanga-hangang kagandahan ngayon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments