Pagdating sa larangan ng sport ay nangunguna nga diyan ang Pilipinas sa nagpamalas ng natatanging husay at galing, mula sa mga kompetisyon na sinalihan ng mga kilalang personalidad upang maipakita ang kanilang nakakamanghang talento at maitayo ang bandera ng ating bansa.
Credit: @richardgomezph on Instagram
Isa na nga sa mga nagpamalas ng kaniyang natatanging husay at talento ay ang nag-iisang anak ng aktor at kasalukuyang Representative ng Leyte Fourth District na si Richard Gomez na walang iba kundi si Juliana Gomez.
Hindi man pinasok ni Juliana ang mundo ng showbiz ay unti-unti naman siyang nakikilala ngayon dahil sa kaniyang taglay na galing sa sport na fencing.
Credit: @gomezjuliana on Instagram
Matatandaan na dati ring isang athlete si Richard, na kung saan siya ay hinirang bilang kasalukuyang presidente ng Philippine Fencing Association.
View this post on Instagram
At nito lamang ika-24 ng Pebrero, araw ng Biyernes, ay muling pinabilib at pinahanga ni Juliana ang publiko matapos nitong makamit ang gintong medalya sa ginanap na UAAP Season 85 Women’s Fencing Tournament.
Credit: @gomezjuliana on Instagram
Pambato si Juliana ng University of the Philippines sa EPEE fencing, na kung saan ay nanalo siya laban sa kaniyang katunggali na si Cyrra Vergara na pambato naman ng De La Salle University.
Matatandaang taong 2021 nang sumabak si Juliana sa Philippine Fencing Association at Southeast Asian Qualifying Games, na kung saan ay nakuha niya ang ikatlong puwesto.
View this post on Instagram
At noong November 2022 naman, ay naipanalo rin ni Juliana ang Air Force Open Fencing Championship na ginanap sa Thailand, na nasundan pa nga ng kaniyang pagkapanalo sa 2022 West Java Fencing Challenge sa Bogor, Indonesia na ginanap noong December 2022.
Bukod pa rito ay naiuwi rin ni Juliana ang Bronze medal mula sa kaniyang sinalihan na Mohin Fencing Minime & Open 2023 na ginanap naman sa Bangkok, Thailand.
View this post on Instagram
Talaga nga namang kahanga-hanga ang ipinamalas na galing ni Juliana, kaya naman marami rin sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa kaniya.
Ilan sa mga nagbigay ng kanilang komento mula sa kaniyang pagkapanalo sa UAAP Fencing Tournament ay sina Aga Muhlach, Mavy Legaspi, Leila Alcasid, Marjorie Barretto, Dyan Castillejo at marami pang iba.
Credit: @richardgomezph on Instagram
Samantala, hindi naman naitago ni Richard ang pagiging proud Daddy sa natamong tagumpay ng kaniyang unica hija.
Aniya, “I am so proud of you @gomezjuliana ! You are now uaap champion!!! Hard work and understanding of the game has set in. I love you ‘day!”
Bukod pa rito ay nakatanggap rin ng maraming papuri si Juliana mula sa mga netizens, na kung saan ay marami sa mga ito ay tinawag siya bilang real life ‘Na Hee Do ng Pinas’ na siyang ginampanan ng South Korean Actress na si Kim Tae-ri mula sa K-drama series na ‘Twenty Five Twenty One’.
The post Politician-actor na si Richard Gomez, proud na proud sa kaniyang unica hija na si Juliana, matapos hirangin bilang gold medalist sa UAAP Women’s Fencing Tournament appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments