Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ibinahagi ang kanilang masayang byahe sa Masungi Georeserve sa Rizal

Isa sa mga pinaka-aabangang real life loveteam ngayon sa industriya ng showbiz, ay ang magkasintahan na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang kanilang pag-iibigan ay naghahatid ng kakaibang kilig at saya sa kanilang mga fans, kahit sila ay masilayan pa lamang sa social media na magkasama.


Credit: @gabbi on Instagram

Sa apat na taong relasyon ni Gabbi at Khalil, ay mas lalong dumarami pa ang mga taong sumusuporta at humahanga sa kanilang dalawa. Kaya naman mapa telebisyon at social media man, sila ay patuloy na inaabangan.

At sa kabila ng pr0blema sa paligid at kasalukuyang pandemya sa bansa, ay nararapat lang na iyong mahanap ang ‘pahinga’ at panandaliang huminga sa lugar na kung saan ang lahat ay maaaring makapag-relax.




Credit: @gabbi on Instagram

Dahil health is wealth, ay isang masayang nature trip ang ginawa nina Gabbi at Khalil, upang panandaliang makahinga sa mga pr0blema dahil ang pag-aalaga sa ment@l health ang isa sa pinaka mahalaga.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, na halos karamihan ay dumaranas ng anxiety at depression. Kaya naman upang malibang ang sarili at ma-relax ang isip, ay naisipan ng magkasintahan na pumunta sa Masungi Georeserve na matatagpuan sa Baras, Rizal.


Credit: @gabbi on Instagram

Sa magkahiwalay na Instagram account nina Gabbi at Khalil, ay makikita ang kanilang mga litrato na magkasama at makikita ang labis na pag-eenjoy ng dalawa sa masayang quick trip na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Sa naging caption ng aktres sa naturang post ay kanyang inilahad na hindi naging maayos ang kanyang pag-iisip sa mga nakalipas na linggo, at ang nature trip nilang ito ng kanyang boyfriend ang siyang labis na nakatulong sa kanya upang makapag relax panandalian.




Credit: @gabbi on Instagram

“I love how it teaches us that there is so much more in life than being clouded with negative thoughts. It reminded me that the world will never revolve around my problems and that there is soooo much more that we can put our energy into.”

Aniya, “Nature will always be my go to breather.” At isa umano si Khalil, sa kanyang mga itinuturing na pahinga bukod sa magagandang tanawin na talaga namang nakaka good vibes sa pakiramdam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


“my breather, through ups and downs🍃🤎 @khalilramos”

Samantala ay ipinost rin ni Khalil ang mga litrato ni Gabbi at makikita sa kanyang caption ang maikling sweet message nito para sa kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Khalil Ramos (@khalilramos)


“Always got your back, lovelove. 🖤 @gabbi”

Tunay nga na wala ng mas ikakasaya pa na makasama ang taong minamahal, sa bawat oras na ang isip at puso ay naguguluhan at ang makasama sila sa masayang trip ang magsisilbing iyong pahinga.

The post Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ibinahagi ang kanilang masayang byahe sa Masungi Georeserve sa Rizal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments