Yassi Pressman, personal na pinasalamatan ang NBA star Damian Lillard sa donasyon na binigay nito sa pagpapa-ayos ng PGH

Ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ay hindi kailanman magiging hadlang sa mga taong may puso at handang tumul0ng kahit sa ano at simpleng pamamaraan man.

Ganyan maihahalintulad ang aktres na si Yassi Pressman, na sa kabila ng kasikatan sa showbiz, ay hindi nagdalawang isip ang aktres na tumulong sa mga nangangailangan.


Credit: @yassipressman on Instagram

Si Yassi ay nakilala bilang isang mahusay na mananayaw at aktres, at mas hinangaan ng kanyang mga fans matapos maging leading lady ng aktor na si Coco Martin, mula sa Primetime Teleserye sa Kapamilya Network ang ‘Ang Probinsyano’.

Kahanga-hanga na sa kabila ng kasikatang natamo ng aktres, ay ipinaabot pa rin si Yassi ang kanyang tulong sa nangyaring sun0g sa Philippine General Hospital (PGH) noong May 16, 2021.




Credit: @yassipressman on Instagram

Matatandaang naging viral noon ang balitang ito, matapos umabot sa tinatayang P60 million ang halaga na natup0k sa ap0y sa loob ng naturang hospital.

Kaya naman hindi nagdalawang isip si Yassi na tulungan ang PGH at kalaunan ay kanya mismong binisita ang mga nasirang kagamitan na nasun0g sa bahagi ng ospital.

At bilang pagtul0ng, ay naisipan ng aktres na gumawa ng sariling fundraising campaign at noong May 29, ay kanya nang ibinigay sa PGH ang naipong halaga para sa pagpapaayos at pagbili ng mga nasirang kagamitan.


Credit: @yassipressman on Instagram

“Saludo po ako sa mga taong di nagdalawang isip at di sumuko na itakbo ang mga sanggol palabas ng ospital, tulungan silang huminga hanggang sa maipasok po ulit ang mga breathing machines nila at mailagay sila sa ligtas na lugar.”


Credit: @yassipressman on Instagram

Samantala ay ginulat naman ni Yassi ang kanyang mga fans ng ibahagi nya sa kanyang Instagram account, ang isang larawan at makikitang kasama niya rito ang National Basketball Association (NBA) star at Portland Trail Blazers guard na si Damian Lillard.

Sa caption ng aktres ay kanyang pinasalamatan si Damian sa ipinaabot na tulong nito, na kahit wala man ito sa bansa ay isa pa rin ang basketball player sa mga labis na tumulong upang mapaayos ang pasilidad ng naturang ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


“I wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught f!re, & just for being the kind-hearted person that he is.”

Dahil dito ay umani naman ng maraming kumento mula sa mga netizen at mga kaibigan ni Yassi sa showbiz, at tulad rin ng kanyang mga fans ay labis rin nilang ikinagulat ang pagsasama ng dalawa sa naturang larawan.




Credit: @yassipressman on Instagram

“Solid!!!!!!”

“Nakaka inggit!!!!!”

“Whaaaaaaaaaa pa shout out mo ako charet!! Inggit much partner!!! Idol yan sobra huhuhu”

“Wow! 😍🔥

The post Yassi Pressman, personal na pinasalamatan ang NBA star Damian Lillard sa donasyon na binigay nito sa pagpapa-ayos ng PGH appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments