Diana Zubiri, masayang ibinahagi ang unang beses ng paglangoy sa pool ng bunsong anak na si Baby Amira Jade

Kung magandang mukha at pangangatawan lang rin ang pag-uusapan, tiyak na hindi mawawala sa listahan ang aktres na si Diana Zubiri. Maituturing na isa sa mga pantasya ng bayan si Diana, dahil sa ganda at hubog ng kanyang pangangatawan.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Matatandaang na mga s3xy roles ang kauna-unahang ginampanan ng aktres sa mga pelikula, at kalaunan sa pagdating ng taong 2005, ay tuluyan nang iniwan ni Diana ang mga s3ksing roles at piniling mag focus sa kanyang acting career.

At sa patuloy na pamamayagpag ng kanyang karera, ay pumatok sa masa ang teleseryeng kanyang ginampanan at pinagbidahan bilang Sang’gre Danaya, mula sa popular na fantaserye na umere noon ang “Encantadia”. Nakasama niya ang ilan sa mahuhusay ring aktres na ngayon ay kanyang matatalik na kaibigan na sina Karylle, Iza Calzado, at Sunshine Dizon.




Credit: @dianazubirismith on Instagram

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay nakatagpo naman ng pagmamahal si Diana at ikinasal sa kanyang asawa na isang Filipino-Australian bus𝔦nessman at modelo na si Andy Smith.

Mula sa kanilang tapat at wagas na pagmamahalan, nagbunga ang kanilang samahan at nabiyayaan ng mga cute na anak na sina Aliyah Rose at Amari Jade.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Sa pagdating ng bunsong anak na si Amari Jade, ay tila’y mas naging exciting at mas masaya ngayon ang kanilang pamilya. Dahil na rin sa taglay na ka-cute-an ng kanilang anak, ay tiyak ang lahat siya ay panggigilan.

Kaya naman hindi kataka-taka na pati ang mga fans ng aktres ay si Amari Jade ang inaabangan, magmula sa magandang kutis nito, na hanggang sa matang kulay gray na tila’y nangungusap kapag iyong pinagmasdan.


Credit: @dianazubirismith on Instagram

Bukod pa diyan, ay hindi rin nakatakas sa publiko ang taglay ni Amari Jade na kakulitan, at sa bawat milestone nito na siya namang proud na ibinabahagi ni Diana sa publiko. Sa katunayan, ay isang larawan muli ni Amari Jade ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens.

Ito nga ay ang litrato ng kanyang anak habang nasa swimming pool, at sa naging caption ng aktres ay tila’y ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nag swimming si Amari sa pool.


“First time niya mag swimming sa pool. Gustong gusto niya. infairness talaga sa batang ito mahilig sa tubig, never siya umiyak pag pinapaliguan. Good job Mimi Kwah @amirajadesmith 💛



Tunay ngang kahit maliit pa lamang ay taglay na ng kanyang anak ang kakaibang tapang nito sa pagharap sa tubig, na walang duda na namana mismo sa aktres.

The post Diana Zubiri, masayang ibinahagi ang unang beses ng paglangoy sa pool ng bunsong anak na si Baby Amira Jade appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments