Isabel Oli at John Prats, ibinahagi ang kanilang masayang pamumuhay bilang isang pamilya kasama ang kanilang gwapo at magagandang mga anak

Bukod sa mga materyal na bagay, ang isa sa pangarap ng nakararami ay ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Tunay nga naman talaga na wala ng mas isasaya pa na matagpuan ang iyong kab!yak, na siyang makakasama mo hanggang sa pagtanda.


Credit: @isabeloliprats on Instagram

Parang kailan lang ng mag viral ang bonggang wedding proposal ng aktor at mahusay na mananayaw na si John Prats, sa asawa na niya ngayon na si Isabel Oli.

Saksi ang kanilang mga fans sa matamis na kwento na pag-iibigan ng celebrity couple. Kaya naman kahit may 3 ng anak na ngayon ang mag-asawa, ay nakatut0k pa rin ang madla sa kanilang masayang pamilya.




Credit: @isabeloliprats on Instagram

Sa bawat litrato at bidyo na sila ay makikitang magkasama buong pamilya, ay patuloy na inaabangan ng kanilang mga fans ang magaganda at gwapong anak nina Isabel at John. Ito nga ay sina Lily Feather, Daniel Freedom at Lilla Forest.

Sa paglipas ng panahon at sa unti-unting paglaki ng kanilang mga anak, ay mas lalong tumitibay ang kanilang matibay na samahan at magandang relasyong sa isa’t-isa bilang isang pamilya.


“My family. We dream together. Laugh and cry together. We pray together. We heave and help each other to become better beings. We are strong together.”

Ayon kay Isabel, ang kanyang mga anak ang nagbigay sa kanya ng life lesson na hindi niya minsang nakuha at natutunan sa ibang tao.


Credit: @isabeloliprats on Instagram

Aniya, ngayon na siya ay ganap ng isang ina, maraming bagay ang natutunan ang aktres. At isa na rito ay ang pagiging the best mom para sa kanyang mga anak.

Aminado si Isabel na ang pagiging perpektong asawa at ina, ay hindi kailanman mangyayari. Ngunit mula sa gabay at pananalig sa Panginoon, ang siyang magiging kanyang kaagapay upang maging the best mom and wife sa kanyang pamilya.




Credit: @isabeloliprats on Instagram

Sa matibay na samahan at magandang relasyong nabuo sa pamilya ngayon nina Isabel at John, ay tanging hangad nilang mag-asawa ang tanging kabutihan ng kanilang mga anak.

The post Isabel Oli at John Prats, ibinahagi ang kanilang masayang pamumuhay bilang isang pamilya kasama ang kanilang gwapo at magagandang mga anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments