Nakilala ang Season 1 The Voice Kids Grand champion na si Lyca Gairanod, sa kanyang husay at galing pagdating sa kantahan. At tunay nga na ang kanyang mga kanta ay talagang pumapatok sa pandinig ng masa.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
Ngunit sa kabila ng natamong kasikatan sa showbiz, hindi naging sarado ang isip at puso ni Lyca sa pagtulong sa mga nangangailangan. Marahil naranasan ang hirap ng buhay, at kinailangang magsumikap noon sa murang edad pa lamang ay kanyang ibinabalik sa kapwa ang mga blessing na kanyang natatangap.
Kaya naman sa panibagong vlog na inilabas ni Lyca sa kanyang YT channel, ay isang nakaka-antig na istorya ang inyong matutunghayan. Ang istorya ng buhay ni Nanay Ising, na siyang nakasama ng singer noon sa pangangalakal.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
“Isa itong nakaka antig na story kasi may nakita po akong matanda, and kitang kita ko sa kanya dati yung ginagawa ko nung bata pa ‘ko.”
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na lumaki si Lyca mula sa h!rap at naranasang mangalakal sa murang edad upang makatulong sa gastusin at makakain ng kanilang pamilya.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
Kaya sa kanyang munting pangangalakal ay isa si Nanay Ising sa kanyang mga nakasabay mangalakal noon, noong siya ay maliit pa lamang.
“Actually, nung bata ako, parang nakikita ko na sya eh. So parang sabay kami nangangalakal dati.”
At dahil naranasan ang h!rap sa pangangalakal, ay naisipan ni Lyca na puntahan si Nanay Ising sa bahay nito at mag-abot ng tul0ng sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang grocery items at prutas.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
“Kaso iba nga lang po kami ng story, kasi sya matanda na sya, eh ako po medyo bata pa kaya mas okay sa akin. Pero sya kasi, yung nakita ko sya talagang yung parang nabiyak yung puso ko.”
Halos 30 taon na sa pangangalakal si Nanay Ising at sa bawat araw na kanyang inilalaan na oras para dito, ay umaabot lamang sa 20-30 pesos ang kanyang kinikita. Ganunpaman, ay pursigido pa rin siya na gawin ito upang may pangkain sa araw-araw.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
“Alam mo yung nararamdaman ko nung nangangalakal ako parang nakita ko sa kanya na sobrang h!rap talaga mag-trabaho. Tsaka sa tanda nyang ‘yon, nag-tatrabaho pa din sya.”
Sa tulong na ito ni Lyca, ay malaki ang naging pasasalamat ni Nanay Ising at makakapahinga siya mula sa pangangalakal dahil sa mga pagkaing ibinigay ng singer para sa kanya.
“Yung tulong nyo sa akin, makakapahinga ako.”
Tulad ni Nanay Ising, ang pananampalataya at pananalig sa Panginoon ang kanyang naging kaagapay, upang siya ay mas lalo pang bigyan ng malakas na pangangatawan upang harapin ang buhay.
Credit: Lyca Gairanod Youtube Channel
“Manalig tayo sa Panginoon, ‘wag natin kakalimutan. Naglalakad ako ‘yan, namamasura, mga altar kinukrusan ko ‘yan. Bigyan ako ng lakas pa, ng katawan, dahil mga apo ko maliliit pa.”
The post Lyca Gairanod, tinulungan ang isa sa mga nakasama noon sa pangangalakal na si Nanay Ising appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments