Andrea Brillantes, binigyan ng bonggang surprise birthday party ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan

Ang pagdiriwang ng 18th birthday o ang debut ang isa sa mahahalagang bagay na magaganap sa buhay ng isang kababaihan. Marahil ito ang sumisimbulo na ang isang babae ay ganap ng dalaga, at ang kadalasang biro ng karamihan ay “pwede ng magkaroon ng kasintahan” kapag sumapit sa ganitong klaseng edad.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

At sa pagdiriwang ng espesyal na okasyong ito kadalasan ay isang magarbong handaan ang ginagawa ng ilan sa mga kababaihan, samantalang ang iba naman ay simpleng handaan kasama ang mga taong mahahalaga sa kanilang buhay ay sapat na upang ito ay ipagdiwang.

Ngunit ibahin ang “Huwag Kang Mangamba” actress na si Andrea Brillantes o mas kilala sa tawag na Blythe, dahil tila’y hindi pa natatapos ang masayang pagdiriwang ng 18th birthday ng aktres. At kahit ilan buwan na ang nakalipas ay punong-puno pa rin ng pagmamahal at sorpresa ang natatanggap ni Blythe sa mga taong labis na nagmamahal sa kanya.




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Matatandaang nagkaroon ng isang bonggang photoshoot noon si Blythe na labis na nagpa-wow sa kanyang mga fans, dahil sa nag-uumapaw na kagandahan ng aktres sa bawat suot-suot na gown, ng siya ay maging cover ng isang sikat na magazine at maging kanilang Debutante of the Year.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

At sa pagkakataong ito ay isang bonggang surprise birthday party ang siyang inihanda ng mga kaibigan ng aktres na sina Bea Borres, at CJ De Guzman. At makikita rin sa bidyo na nakasama rin sa naturang sorpresa ang bunsong kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na si Mona Alawi.

Ang bonggang sorpresa na ito para kay Blythe ay inihanda ng kanyang mga kaibigan sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bataan. At makikitang walang kalam-alam ang aktres na may inihanda pa lang sorpresa ang mga kaibigan para sa kanya.


Credit: Andrea B. Youtube Channel

Ang planong staycation sana nilang magkakaibigan ay isang espesyal pa lang bakasyon ang naganap, at makikita sa mukha ng aktres ang gulat at labis na kaligayahan sa sorpresang kanyang natanggap.

Nairaos umano ng kanyang mga kaibigan ang sorpresang ito sa pamamagitan ng isang secret group chats at video calls kasama ang isang event planner at iba’t-ibang suppliers.

Kapansin pansin na red and gold ang naging motif ng lugar at maliban sa napakagandang backdrop design at ang isang five tier na birthday cake, ay makikita na mas nag-standout pa rin ang ganda ni Blythe suot-suot ang isang red dress na talagang nagpalutang sa kanyang angking ganda.




Credit: Andrea B. Youtube Channel

Patunay lamang na sa kabila ng husay ng aktres sa pag-arte ay ang walang sawang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga taong naging bahagi ng kanyang journey bilang isang ganap na ngayong dalaga.

The post Andrea Brillantes, binigyan ng bonggang surprise birthday party ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments