Cute na cute na anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, kinagiliwan dahil sa kanyang kagat-labi pose at cute na outfit

Isa sa mga kilalang celebrity baby ngayon ay ang gwapong anak ng celebrity mom na si Ryza Cenon, na si Baby Night na kanyang anak sa non-showbiz boyfriend na si Miguel Antonio Cruz.

Parang kailan lang nang isilang ng aktres si Baby Night, at sa paglipas ng buwan ay 8 months old na ang kaniyang anak. Sa katunayan ang pagdating ni Baby Night sa kanilang pamilya, ang nagsilbing kalakasan at kaligayahan nila ngayon.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa pagdating ni Baby Night ay mas lalong naging aktibo sina Ryza at Miguel sa pag-update sa social media, patungkol sa mga kaganapan sa buhay ng kanilang anak. Magmula pa man sa pagbubuntis hanggang sa unti-unting paglaki nito ay naging saksi ang mga fans sa kanilang buhay.

Tunay nga na sa sobrang adorable ni Baby Night ang karamihan siya ay pinanggigilan, lalo na sa kanyang matatambok na pisngi at singkit na mata na kay sarap titigan talaga.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Mapa bidyo o litrato, ang gwapong mukha ni Baby Night ang isa sa mga inaabangan, lalo na ang mga cute outfits nito na syang nagpapangiti sa maraming netizens ngayon.

Talaga nga namang labis na ine-enjoy ni Ryza ang pagiging mommy at sa bawat kaganapan sa kanyang anak ay hindi maaaring mawala ang mga cute pictures nito.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Kamakailan nga ay isa na namang litrato ni Baby Night ang labis na nagbigay aliw sa mga netizens, na makikita ang cute na ngiti nito habang suot-suot ang isang baby jumper outfit na talagang bumagay sa kanyang angking kagwapuhan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Hindi naman nakal!gtas sa mga netizens ang kagat-labi pose nito na siyang tila’y marunong ng magpa-cute sa kamera.

Kaya naman ang mga netizens ay hindi magkamayaw sa kanilang mga komento at labis na nanggigil sa napaka-cute at gwapong si Baby Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Si Night lang ang Sakalam 🔥

👍💖SUPERCUTE😎




Credit: @iamryzacenon on Instagram

❤❤❤ang gwapo ni night”

“Ang cute mo night 😍😍

“Parang big boy na qng ngumiti c Baby❤

The post Cute na cute na anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, kinagiliwan dahil sa kanyang kagat-labi pose at cute na outfit appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments