Anne Curtis, ibinahagi ang nakakatuwang larawan ng kanilang kumpleto at masayang pamilya

Ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ang isa sa mga pinapangarap ng halos karamihan sa atin. Ang pamilyang masasandalan, ang magiging kaagapay at katuwang sa lahat ng pagsub0k sa buhay.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

At kung pag-uusapan rin lang naman ang pagkakaroon ng isang masaya at magandang pamilya, hindi maaaring mawala sa listahan ang Heussaff Family, ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang kanilang napaka-cute at adorable child na si Dahlia Amelie.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Ngayon na talaga ngang ganap ng pamilyado si Anne, maituturing na isa sa “biggest dream” ng aktres ay ang pagiging isang asawa at ina. Hindi man magiging madali ang lalakbayin ni Anne, ngunit excited pa rin sya sa journey na ito lalo na at kasama ang kanyang pamilya.


Mula sa bunga ng matamis na pagmamahalan nila ni Erwan ay ang pagdating ni Dahlia sa kanilang buhay mag-asawa. At marahil ito na ang isa sa pinakamasaya at exciting na nangyari sa kanilang buhay ngayon. Ang pagiging mabuti at magandang modelo para sa kanilang baby girl.

Ngayon na 1 year old na si Dahlia, umaapaw pa rin sa pagmamahal ang ibinibigay nila sa kanilang anak. At ang pagiging hands-on parents ay hindi kailanman magiging problema sa kanilang mag-asawa, lalo na sa tuwing ka-bonding si Dahlia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


Kahit maliit pa lamang si Dahlia, ay nakitaan na ng publiko ang pagiging malapit nito sa kanyang mga magulang. At dahil si Erwan ang madalas naka toka sa kusina, sa pagluluto ng kanilang masasarap na pagkain araw-araw, tila’y naging “Papa’s little helper” naman si Dahlia ng kanyang Daddy sa kusina.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa IG story ni Anne, ay makikitang pinakisuyo ni Erwan ang pagkuha ng gulay sa ref sa kanyang anak, na syang dali namang inabot sa kanya mismo ni Dahlia.




Credit: @annecurtissmith ​on Instagram

Talaga nga namang makikita na sa bawat kaganapan sa buhay ngayon nina Erwan at Anne, hindi maaaring mawala ang kanilang napaka-cute na si Dahlia. At ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya, ay dahil na rin sa magandang samahan na nabuo sa mag-asawa.

The post Anne Curtis, ibinahagi ang nakakatuwang larawan ng kanilang kumpleto at masayang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments