Mag-pinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana, naging mga cute flower girls sa isang kasal

Hinangaan ngayon sa social media ang mga larawan at bidyo ng celebrity cousins na sina Dahlia Amélie Heussaff at Thylane Katana Bolzico, matapos maging mga flower girls sa isang int!mate wedding.

Kasama ng mag pinsan umattend ang kanilang mga magulang sa isang kasal na ginanap sa Palawan.


Credit: @_tilibolz on Instagram

Tila’y ito ang kauna-unahang naging flower girls sina Dahlia at Tili, kaya naman todo soporta ang kanilang mga parents sa espesyal na okasyong ito.

Madalas masilayan ng publiko ang magpinsan na masayang magkasamang maglaro at ka-bonding ang kanilang mga magulang. At sa espesyal na okasyong ito ay hindi maaaring mahiwalay ang dalawa sa isa’t-isa.




Sa bidyo ay makikitang naglalakad ang magpinsan na nakasuot ng white dress habang hawak-hawak ang tig-isang bulaklak sa kanilang mga kamay.

Hindi naman naka-iwas sa mata ng publiko ang pagiging supportive dad nina Erwan Heussaff at Nico Bolzico, na naka-alalay sa kanilang magagandang anak habang ang celebrity mommies na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff ay naka-abang naman sa harapan upang salubungin ang kanilang mga babies.


Samantala ay hindi naman rin nagpa-kabog sina Dahlia at Tili pagdating sa picture taking, dahil tulad ng kanilang mga mommies ay nag-picture din silang magpinsan at nagsilbing mga models habang parehas na nakaupo sa buhangin. At makikita na ang supportive dad na si Erwan ang kanilang naging photographer.

Sa mga cute pictures nina Dahlia at Tili, ay marami namang mga netizens ang natuwa at pinangg!gilan ang mag-pinsan dahil sa kanilang nag-uumapaw na ka-cute-an.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

“Sweet adorable cousins😍😍

“Super cute two cousins ❤❤❤

“Omg😍😍 super cute nila”




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

“The lovely cousins😍😍😍

😍😍😍❤❤❤oh my ang cute nila, ❤❤❤

Tunay ngang hindi lamang mag-pinsan sina Dahlia at Tili, dahil maituturing rin na mag-best friend ang dalawa, na hindi maipaghihiwalay at laging magkasama, mapa playtime at kahit sa mga espesyal na okasyon man.

The post Mag-pinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana, naging mga cute flower girls sa isang kasal appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments