Zsa Zsa Padilla, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Cebu at sinubukan mag snorkeling na bahagi ng kanyang summer goals

Ang ilan sa mga kilalang personalidad ngayon sa showbiz ay may kani-kaniyang destinasyon, na nakalista sa kanilang mga travel goals upang makasama ang kanilang pamilya ngayong bakasyon.


Credit: @zsazsapadilla on Instagram

Karamihan sa kanila ay piniling lumipad sa ibang bansa upang makasama ang kanilang mahal sa buhay, at ang ilan naman ay pumunta sa magagandang pasyalan dito sa bansa upang makapag-relax.

Kaya naman habang bakasyon at may libreng oras para masubukan ang ilan sa mga inaasam ng karamihang beach activities, ay sinubukan rin ito ng aktres at Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.




Credit: @zsazsapadilla on Instagram

Busy man ang kanyang schedule sa mga nakapilang trabaho, hindi naman isinantabi ni Zsa Zsa ang pansamantalang pagrerelax at masubukan ang isa sa mga nauusong beach activities ngayon ang snorkeling.

Makikita sa post ng aktres sa kanyang Instagram account ang kanyang masayang bakasyon sa Moalboal, Cebu, at mula rito ay ang underground shot niya sa beach habang in-eenjoy ang paglalangoy.


Credit: @zsazsapadilla on Instagram

At dahil isa rin si Zsa Zsa sa mahilig sa mga beach, kaya naman kahit hindi gaano kagaling sa pagsu-swimming, ay kanya pa ring sinubukan ang snorkeling at labis na in-enjoy ang magandang view sa ilalim ng dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


“I’m not a good swimmer but love the beach so I find snorkeling the next best thing to do. Here are some of my underwater shots during my stay in Moalboal, Cebu. I love their coral reef and sardines run!!!”

Makikita sa mga larawan na bukod sa divine diva, ay nakasama rin nya sa paglangoy ang napakaraming sardines, pati na rin ang isang sea turtle ay nakisabay rin sa kanyang pagsisid.


Credit: @zsazsapadilla on Instagram

Napakasaya nga naman masubukan ang ilan sa mga beach activities tulad ng snorkeling, at masulit ang bakasyon kasama ang mga kaibigan, pamilya at kasintahan na perfect sa ganitong klaseng pasyalan.

Aniya maliban sa snorkeling ay sinubukan rin tikman ng aktres ang isa sa mga famous burgers ng kanyang kaibigan na si Chef Marquin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


“When in Moalboal, it’s a must to pass by Chef Marquin to try their famous burgers. The servings are unbelievably generous so bring your appetite with you!!!”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


Tulad ni Zsa Zsa, marami rin naman sa kanyang mga fans ang natuwa at nag-enjoy sa magandang view na ito, at inasam rin na makapagbakasyon sa Moalboal, Cebu.

“timeless! 😍

“So gandaaaa. 😍😍❤❤

The post Zsa Zsa Padilla, ibinahagi ang masayang bakasyon sa Cebu at sinubukan mag snorkeling na bahagi ng kanyang summer goals appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments