Sarah Lahbati, lumipad patungong Switzerland upang bisitahin ang ama na halos higit sa isang taong hindi nakasama

Nang magsimula ang pandemya sa bansa, marami sa atin ang nalimitahan ang pag byahe sa malayong lugar, ang planong bakasyon sa magandang pasyalan kasama ang buong pamilya, ay hindi rin naisakatuparan bilang pag-i!ngat ng lahat mula sa kumakalat na v!rus.

Kaya naman ang ilan ay ninais na lamang na manatili sa loob ng tahanan, at gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang upang maibsan ang pagka-inip.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

At makalipas ng isang taon, na maaari ng bumyahe ang mga bakasyunista patungo sa piling mga bansa, ay hindi na nila pinalagpas ang pagkakataon at agarang bumyahe upang makapiling ang mga mahal sa buhay.

Ganyan mailalarawan ang masayang pagbisita ng celebrity mom na si Sarah Lahbati, upang makasama ang ama na si Abdel Lahbati na halos higit sa isang taong hindi sila nagkita at nagkasama mag-ama.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Sa post ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikitang siya ay lumipad patungong Geneva, Switzerland, kasama ang mga anak na sina Zion at Kai, at ang ina na si Esther Lahbati.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


“so surreal being able to travel again.. excited to be reunited with my dad after more than a year of l0ckdown and being away from each other. 🙏🏼😍


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Makikitang hindi nakasama sa pagbisita sa kanyang ama ang asawang aktor na si Richard Gutierrez na abala ngayon sa kanyang trabaho.

Ganunpaman ay masayang masaya si Sarah na ngayon ay nakasama nya na ulit ang kanyang ama, at magkakaroon na sila ng oras at panahon upang maka bonding ang isa’t-isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


“reunited with papa 😍 hello, Geneva 🇨🇭

Kaya naman sa unang araw pa lamang ng kanilang pagdating, ay sila ay namasyal at nagtungo na agad sa isang restaurant upang magsalu-salo bilang pamilya.

At sa pag-uwi ni Sarah sa Switzerland, ay makikitang masaya ring naka-bonding nya ang ilan sa kanyang mga kaibigan at nakipag kwentuhan sa kanila.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala ay masaya naman ang mga fans ng aktres na ngayon ay muli ng nakasama ni Sarah ang kanyang ama, matapos ang higit sa isang taon na ito’y hindi nya nakasama.

“Awww! Enjoy Sarah! 🤍




Credit: @sarahlahbati on Instagram

😍 Have a safe flight and enjoy your trip!!♥

“Happy family ❤😍

The post Sarah Lahbati, lumipad patungong Switzerland upang bisitahin ang ama na halos higit sa isang taong hindi nakasama appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments