Barbie Imperial at Diego Loyzaga, ibinahagi ang kanilang masaya at nakakakilig na date sa Baguio

‘Relationship Goals’ ika nga ng kanilang mga fans, dahil umaapaw na naman sa kilig at pag-iibigan ang celebrity couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Muling naghatid ng kilig ang magkasintahan sa kanilang mga fans, sa panibagong larawan nila habang sila ay makikitang magkasamang namasyal sa tinaguriang City of Pines, ang Baguio City.


Credit: @msbarbieimperial on Instagram

Kilala ang Baguio City sa isa sa mga lugar na malamig ang klima at temperatura, na perfect para sa mga bakasyunistang gusto mag-relax at pansamantalang kalimutan ang kanilang mga str3ss sa katawan.

Kaya naman ang malamig na klima sa Baguio ay tila’y nag-init dahil sa nag-aalab na pagmamahal na mayroon kina Barbie at Diego, na masayang sinulit ang kanilang oras na magkasama upang makapag-date at makapag-relax.




Credit: @msbarbieimperial on Instagram

Sa kanilang magkahiwalay na Instagram accounts, ay makikita ang sweet pictures nilang dalawa na masayang nag-date sa Burnham Park sa Baguio City.

At sa kanilang mga litrato ay makikitang sinubukan ng celebrity couple ang boating, at kanila ring ibinahagi ang pagkain ng ice cream (sorbetes) at ang pagkain sa isang masarap na restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Imperial 🌗 (@msbarbieimperial)


“photo dump 🛶🍦🍓🚲👶🏼👻❤🔥

Sa masayang date ng dalawa ay kapansin-pansin rin ang mga magagandang pictures ni Barbie, na hindi maitatanggi na blooming ang aktres at tila’y sa likod ng mga litratong ito ay ang “struggling banker/bf” na si Diego.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)


“Appreciation post 🖤 behind every jaw dropping picture of my beautiful girlfriend is a struggling bankero/bf.”

Ayon sa caption ni Diego sa naturang post ng kanilang mga pictures ni Barbie, ay makikitang bukod sa pagiging photographer boyfriend siya rin ay isang bangkero.


Credit: @diegoloyzaga on Instagram

Tunay ngang hahamakin ang lahat mapasaya lang ang kasintahan, kaya naman kahit struggl3 is real, ay kanya pa ring ginawa upang mapangiti si Barbie.

“But its worth every second once i see her smile 🙂 (ps: yes, both ice creams were hers)”


Credit: @diegoloyzaga on Instagram

Samantala ay nagbigay naman ng maikling komento ang aktres sa caption ni Diego at sinabing “best photographer” daw ang kanyang boyfriend.

“HAHAHAHAH thanks to the best photog in the world. I love you!! 😘😘😘


Credit: @diegoloyzaga on Instagram

Sa masayang bakasyon ng celebrity couple ay inani naman ng komento ang kanilang mga larawan mula sa mga fans, at hindi napigilan ang mga kilig para kina Barbie at Diego.

“Cute nyong ni diego😍😍😍 enjoy..!”




Credit: @msbarbieimperial on Instagram

“My fav couple😍

“So cute ❤❤❤

The post Barbie Imperial at Diego Loyzaga, ibinahagi ang kanilang masaya at nakakakilig na date sa Baguio appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments