Ivana Alawi, nagpanggap bilang isang lalake na sobrang kinagiliwan naman ng mga netizens

Isa na namang panibagong good vibes ang hatid ng akres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang mga fans, na kung saan siya ay nag-transform bilang isang lalaki. At ipinakilala ang sarili bilang Ivan Alawi na kambal umano ni Ivana.

“Ako lang to eh, Ivan. Ivan Alawi nga pala, kambal ni Ivana pero mas pogi.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Kilala si Ivana sa pagbibigay ng saya sa kanyang mga fans at paggawa ng mga pranks at challenges kasama ang pamilya.

Ngunit sa pagkakataong ito ay ibang Ivana ang inyong makikita, dahil ipinakilala ng aktres ang kanyang kambal na si Ivan, na isang bad boy na kabaliktaran ng kanyang kapatid na si Hash Alawi na isang good boy.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

“May bago akong ipapakilala sa inyo ang brother ko, feeling ko kasi si Hash good boy. Eto kasi medyo b@d boy so, hindi ko pa sya na-iintroduce sa inyo.”

Hindi alam ng kanyang pamilya ang planong ito ng aktres, kaya naman ng siya ay mag-transform at magpakita sa kanila bilang Ivan ay makikita ang natatawang reaksyon ng mga ito.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

“Andun yung Mama ko, isu-surprise ko kasi, 22 years kaming ‘di nagkita.”

Sa paglabas ni Ivana bilang si Ivan ay makikitang nakasuot ng itim na sando ang aktres, at maikling wig, habang punong-puno naman ng mga f@ke tattoos ang kanyang braso upang magmukhang b@d boy look ang kanyang datingan.

“Ivan nga pala, magpapasaya ng buhay mo. ‘Di lang buhay, buong buhay.”


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Makikita ang mga natatawang reaksyon nina Mama Alawi, kapatid na si Mona at Hash sa naging itsura ni Ivana sa naturang vlog. At hindi mapigilang magbigay ng komento sa bawat kilos ng aktres.

Upang mas lalong mapanindigan ang kanyang transformation bilang Ivan, ay lumabas ang aktres kasama ang kanyang pamilya at nag-drive thru.


Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Habang naghihintay na maibigay ang kanilang order, may mga taong tinawag si Ivana at tinanong ang mga ito kung siya ba ay pogi para sa kanila. At sa bawat pagsang-ayon nila, ay katumbas ang 500 pesos galing mismo sa aktres.

“Napapagod ako maging pogi, marami ako s!nira, marami ako napaiyakin.”




Credit: Ivana Alawi Youtube Channel

Tila’y makikitang kahit nag-transform na bilang lalaki si Ivana, ay dinudum0g pa din ang aktres at marami ang tila’y kinilig sa kanyang pagpapanggap bilang si Ivan.

Samantala ay isang challenge naman ang nais na gawin ni Ivana kasama ang kapatid na si Hash, na syang maaaring abangan sa mga susunod na vlogs nito.

“Meron akong challenge kay brother (Hash Alawi) – gusto ko sana mag-video kami na nasa mall, magkukuha kami ng mga numbers ng mga chicks, paramihan kami.”

The post Ivana Alawi, nagpanggap bilang isang lalake na sobrang kinagiliwan naman ng mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments