Jimmy Santos, masayang nakihalubilo sa mga katutubong Aeta at sinubukan ang ilan sa kanilang tradisyon

Mula sa pagiging ‘Eat Bulaga’ host at basketball player noon, ay isa na ring vlogger ngayon ang komedyanteng si Jimmy Santos.


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Sa kanyang YT channel na Jimmy Saints na may 200,000 subscribers, ay ibinahagi ni Jimmy ang kanyang masayang adventure sa lugar ng Pampanga. At isinama ang kanyang mga viewers sa magagandang tanawin at simpleng pamumuhay ng mga tao sa kanilang lugar.

At sa pagkakataong ito ay isa na namang exciting vlog ang inyong matutunghayan, dahil ang TV host ay binaybay ang bayan ng Villa Maria ng Porac, sa Pampanga upang makihalubilo sa mga katutubong Aeta.




Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Aniya ay halos 19 kilometrong layo ang kanyang nilakbay upang makarating sa bayan ng Villa Maria, upang makasama at ma-experience ang buhay ng mga katutubo.

“Bago kayo makarating dito, 19 kilometers, biruin nyo nilakad ko po ito para ma-experience ko po yung maglakad sa malayong lugar.”


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Sa kaniyang pagbisita sa bayang ito ay makikita ang mainit na pagsalubong at pagtanggap ng mga katutubong Aeta kay Jimmy, na tila’y siya ay talagang welcome na welcome sa kanilang bayan.

At upang makihalubilo sa mga katutubong Aeta ay sinubukan ni Jimmy ang ilan sa kanilang mga tradisyon tulad na lamang ang pagluluto sa binulo.


Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Ang tradisyunal na pagluluto sa binulo, ay kinakailangang balutin ang bigas sa dahon ng saging, na ilalagay sa loob ng boho at ito ay lulutuin sa apoy na tatagal ng 2 oras sa pagluluto.

Sa pagbisita ni Jimmy sa bayan ng Villa Maria, ay makikita ang pagiging simple at natural ng komedyante sa pakikihalubilo sa mga katutubong Aeta. At kasabay nito ang tradisyunal na sayaw ng mga katutubo na kaniya rin namang sinubukan.




Credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Tunay ngang sa kabila ng kaniyang kasikatan noon ay ang pagiging mapagpakumbaba ni Jimmy sa lahat ng taong kaniyang nakakasalamuha, at ang kasikatan na nakamit ay hindi naging hadlang upang bumuo ng magandang relasyon sa kanyang mga kababayan.

“Yan po ang sayaw ng ating mga kapatid na katutubo, yan po ang kanilang tradisyon na sayaw. At dahil nandito ako, na-experience kong manood, magluto ng binulo, kumain ng binulo,”

The post Jimmy Santos, masayang nakihalubilo sa mga katutubong Aeta at sinubukan ang ilan sa kanilang tradisyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments