Cheska Garcia at Doug Kramer, nagbahagi ng taos pusong mensahe sa ika-12th birthday ng kanilang panganay na si Kendra

Isa ang Team Kramer sa mga sikat na pamilya ngayon sa Pilipinas na patuloy na hinahangaan at sinusuportahan. Marahil ang masayang relasyon ng mag asawang Doug Kramer at Cheska Garcia, ang naging daan upang sila ay panghugutan ng inspirasyon ng nakakarami.

Saksi ang publiko sa masayang pamilya na mayroon ang Team Kramer, lalo na sa tuwing kasama ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin na talaga namang inaabangan ang kanilang mga anak sa social media.


Credit: @dougkramer on Instagram

Mapa litrato o bidyo, hindi maikakaila ang masaya at magandang relasyon na mayroon ang kanilang pamilya, lalo na sa maayos na pagpapalaki nina Doug at Cheska sa kanilang mga anak.

Sa paglipas ng panahon, ay sino ang mag-aakala na ang panganay nilang anak na si Kendra, ay nagdiwang ng ika-12 na taong gulang nito noong Hunyo 25.




Credit: @dougkramer on Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Doug sa kanyang Instagram account ay makikita ang litrato ni Kendra noong ito ay maliit pa lamang at ang larawan nito na malaki na ngayon.

Kasabay ng larawang ito ay ang taos-pusong mensahe na ipinaabot ni Doug sa kanyang anak, na nagdiwang ng kaarawan nito.


Credit: @chekakramer on Instagram

Napakabilis nga naman ng panahon, parang kailan lang ng karga-karga pa ni Doug ang kanyang panganay na ngayon ay nagsisimula ng magdalaga.

Ayon sa kanyang mensahe, hindi mapigilan ni Doug ang pagiging proud sa anak dahil sa unti-unting paglaki nito bilang “incredible lady” tulad ng kanyang Mommy Chesca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


“My kennykins! You’re growing up to be an incredible lady like your mommy.”

“I’m so proud of you. I love you more everyday my little sweetheart. Happy 12th birthday Kendra!”

Aniya malaki ang naging pasasalamat ni Doug sa Panginoon sa pinagkaloob nitong kalakasan at katangkaran sa kanya, upang magabayan at masubaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak.




Credit: @chekakramer on Instagram

“P.S. Thank you Lord for making me big and strong. So I can always see my kids small and so I can carry them forever. 🙏❤

Samantala ay nagbahagi rin ng pagbati si Cheska sa kanyang anak, sa pamamagitan ng isang bidyo na puno ng larawan ni Kendra noong ito ay maliit pa lamang hanggang sa paglaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


“Mama will always be here for you – and just like what I told you and promised you… Mama will always guide you and teach you all the things you need to know. I love you, Kenny… with all my heart!!! Happy birthday sweetheart, @clairkendrakramer25. ♥🎂😘

The post Cheska Garcia at Doug Kramer, nagbahagi ng taos pusong mensahe sa ika-12th birthday ng kanilang panganay na si Kendra appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments