Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang maganda at bagong ipinagawang kusina kasabay ng naging selebrasyon ng nakaraang Fathers Day

Sa espesyal na araw ng mga Tatay, ay isang masayang selebrasyon ang ipinagdiwang ng Island dad na si Philmar Alipayo, kasama ang kanyang fiancé na si Andi Eigenmann at ang kanilang mga Island babies na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Simple man ang naging pamumuhay ng Happy Islanders sa Isla, ay hindi naman dahilan ito upang maging espesyal pa rin ang pagdiriwang ng Father’s Day.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Kaya naman ating silipin ang masayang kaganapan sa espesyal na araw na ito sa buhay ni Philmar at ang ilan sa munting pasilip sa malapit nang matapos nilang kitchen.

Sa bagong vlog ng Happy Islanders, ay muling isinama ni Andi ang mga viewers sa kanilang masaya at simpleng pamumuhay sa Isla ng Siargao.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

At dahil kilala ang aktres na si Andi hindi lamang sa pagiging hands-on mom sa kaniyang mga anak, kundi pati na rin sa pagiging hands-on sa kusina, kaya naman ay ibinahagi nya ang ilan sa mga updates sa kasalukuyang tinatapos nilang kusina.

Kwento pa ni Andi ay hindi niya daw inaasahan na malapit na matapos sa paggawa ang kanilang kitchen, na ayon pa sa kanya ay sa mismong kaarawan niya inaasahan na mismong matatapos ito.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“I’m so excited for today, because sakto on first, actually kala ko yung birthday ko yung first time na magagamit namin yung kitchen. But, napaaga it was earlier than I thought.”

At kahit hindi pa man tapos, ay inilahad na ng aktres ang labis na excitement na sa kauna-unahang pagkakataon ay maaari na syang makapagluto sa kanilang sariling kitchen.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“Kaya excited akong inaayos yung kitchen kasi gagamitin namin sya talaga and I’m going to be cooking here, for the first time.”

Kasabay ng pagbahagi ni Andi sa ilang kaganapan sa kanilang kitchen, ay makikita naman na katuwang ng aktres ang kanyang panganay na si Ellie, sa pagtulong sa kanya sa pag-aayos ng kanilang kusina.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Pagdating naman ng kinagabihan ay tila’y wala ring takas si Philmar sa gawaing bahay, dahil kahit Father’s Day ay abala rin sya sa paghahanda ng kakainin ng kanilang pamilya.

“Father’s Day pero siya nagluluto.”

Ganunpaman, ay makikita pa rin ang pagiging responsable at mapagmahal ni Philmar, na handa nyang pagsilbihan ang kanyang pamilya.




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“Ganyan ko kayo kamahal.”

Isang masarap na steak ang kanilang pinagsaluhan buong pamilya upang ipagdiwang ang Father’s Day, kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan at kapamilya sa isla.

The post Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang maganda at bagong ipinagawang kusina kasabay ng naging selebrasyon ng nakaraang Fathers Day appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments