First time mom na si Angelica Panganiban, ipinasilip masayang 5-month celebration ng kaniyang anak na si Baby Amila Sabine

Nakakatuwang isipin na ang mga cute na baby ay ang nagsisilbing bundle of joy ng pamilya sa loob ng bawat tahanan.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa at saya na naramdaman ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban, na ngayon ay isa na siyang ganap na ina sa kanilang panganay na anak ng kaniyang fiancé na si Gregg Homan.

Ang matamis na pagsasama nina Angge at Gregg ay mas lalong napuno ng saya at kulay, sa pagdating ng kanilang panganay na anak na si Amila Sabine aka ‘Baby Bean’, na isinilang ng aktres noong September 20, 2022.


Credit: @iamangelicap on Instagram

At maliban sa kaligayahang hatid ni Baby Bean sa kaniyang mga magulang, ay hindi naman maitatago ang pagiging proud parents nina Angelica at Gregg, na siyang makikita sa mga cute and adorable photos ni Baby Bean na masayang ibinabahagi ng aktres sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Maging sa kanilang sariling YouTube channel na ‘The Homans’ ay makikita na talagang proud ang dalawa sa bawat milestone ng kanilang anak.

Kaya naman sa napakabilis na paglipas ng panahon ay kamakailan lamang ay ipinagdiwang na ni Baby Bean ang kaniyang ika-5 buwan na kaarawan, na masayang ibinahagi ng kaniyang Mommy Angelica sa Instagram account.




Credit: @iamangelicap on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ng first time mom, ay talagang makikita ang labis na tuwa sa mukha ng aktres at ang taglay na kakyutan ni Baby Bean.

Talaga nga namang gigil overload sa labis na kakyutan ni Baby Bean, kaya naman maging ang mga netizens ay hindi rin naiwasan na panggigilan ang cuteness nito.


Credit: @iamangelicap on Instagram

❤❤❤so cute nkkaggil nman Po ni baby bean blis panahon happy 5months 🥰🥰🥰”.

“Kagigil naman ang baby girl na yan… kacute ❤❤❤”.

“Apaka cute naman 😍”.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Sa kabila ng pagiging hands-on kay Baby Bean ay hindi naman itinanggi ni Angge ang puyat na kanilang nararanasan bilang first-time parents sa kanilang anak.

Ayon sa aktres, “5 months na kaming half asleep as parents 😆 pero bakit ang bilis ng panahon”.

Ganunpaman, sa kabila man ng pagod at puyat, ay hindi naman matatawaran nito ang labis na pagmamahal nina Angelica at Gregg para sa kanilang cute na cute na Baby Bean.

The post First time mom na si Angelica Panganiban, ipinasilip masayang 5-month celebration ng kaniyang anak na si Baby Amila Sabine appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments