Mala manikang kagandahan ng anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Rosie, agaw pansin ngayon sa social media

Dalawang buwan na nga ang nakalipas mula nang isilang ng aktres at first time mom na si Jessy Mendiola, ang panganay na anak nila ng kaniyang asawa na si Luis Manzano na si Isabella Rose Tawille Manzano o Baby Rosie.


Credit: @luckymanzano on Instagram

Bukod sa kaniyang palayaw na Baby Rosie ay nakilala rin siya ng publiko bilang si Baby Peanut, na kung saan ay isa nga si Baby Peanut sa mga kinagigiliwan at pinanggigilang celebrity baby ngayon sa industriya ng showbiz.

Matatandaang ika-28 ng Disyembre noong nakaraang taon, nang isilang ni Jessy ang kanilang anak na siyang bagay na ibinahagi ng ng aktres sa kaniyang YouTube channel.


Credit: @jessymendiola on Instagram

Sa video ay masayang ibinahagi ng mag-asawa ang mga naging kaganapan sa pagle-labor ng aktres sa ospital, hanggang sa kaniyang l!gtas na panganganak sa kanilang panganay.

At sa unang pagkakataon magmula nga ng isilang ni Jessy si Baby Rosie, ay dito na isinapubliko ng mag-asawa ang napakaganda at maamong mukha nito.


Credit: @luckymanzano on Instagram

Talaga nga namang napakarami ang lubos na lumahanga sa taglay na kakyutan at kagandahan ni Baby Rosie, na ayon pa sa mga komento ng netizens ay hawig raw nito si Luis at ang kaniyang ina na kinilala bilang Star For All Seasons na si Vilma Santos.

At ngayon sa pagdiriwang ng ika-2 months old ni Baby Rosie, ay mas lalo ngang bumuhos ang pagbati at papuri na natanggap ng kanilang pamilya sa taglay na kakyutan nito.


Credit: @luckymanzano on Instagram

Sa litratong ibinahagi ni Luis sa kaniyang Instagram, ay dito ipinakita ng tv host ang 3 larawan ng kanilang anak kalakip ang kaniyang iniwang pagbati para rito.

Aniya, “Happy 2nd month to the little Peanut who owns our heart. @jessymendiola and i love you @isabellarosemanzano”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


Samantala, ay isang litrato rin ang ibinahagi ni Jessy sa kaniyang Instagram, na kung saan ay makikita ang red rose theme na monthly photoshoot ni Baby Rosie.

Ang napaka-cute na larawang ito ni Baby Rosie ay kuha mismo ni Jessy at nilakipan ng caption na, “Happy 2 months to our Isabella Rose! Pagbigyan sa kaartehan ni mama. Waaaah! Don’t grow up too fast my little one.  I can’t believe 2 months went by so quickly!”




Credit: @jessymendiola on Instagram

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kilalang personalidad sa showbiz tulad na lamang nina Carla Abellana, Lea Salonga, Darla, Charlene Gonzales, Diana Zubiri, Alex Gonzaga, Vina Morales at marami pang iba.

Maging ang mga netizens ay hindi rin naitago ang kanilang gigil moments sa taglay na kakyutan ni Baby Rosie.


Credit: @jessymendiola on Instagram

“Oh my goodness! Such a pretty baby 😍 Happy 2nd month our little Princess Rosie 🌹 You are so adorable 🥰”.

“kamukha ni ate v..lalo na ang mata ang cute 🥰 🥰”.

The post Mala manikang kagandahan ng anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Rosie, agaw pansin ngayon sa social media appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments