Angeline Quinto, hindi naitago ang pagfa-fangirl sa kaniyang “forever idol” na si Asia’s Song Bird Regine Velasquez

Sa mundo ng showbiz, marami sa mga kilala at hinahangaang personalidad ang hindi lamang kinikilalang magagaling at mahuhusay na artista, kundi nagsisilbi rin silang mga idolo para sa kanilang mga tagahanga.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tulad na lamang ang napakahusay na singer at tinitingala ng marami na si Asia’s Song Bird Regine Velasquez-Alcasid.

Sa kaniyang taglay na husay at galing sa pagkanta ay hindi nakapagtatakang marami ang sa kaniya ay humahanga at nahumaling sa ganda ng kaniyang boses.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ngunit hindi lamang mga netizens ang nahumaling sa kaniyang napakagandang tinig, kundi maging ang kaniyang kapwa singer at napakahusay rin na mang-aawit na si Angeline Quinto, ay hindi naiwasan ang pagfa-fangirl sa kaniyang iniidolo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na matagal ng iniidolo ni Angge si Regine bago pa lamang siya sumikat at makilala bilang Power Diva singer.
Ayon nga kay Angge, isa si Regine sa nagbigay sa kaniya ng inspirasyon upang tahakin ang mundo ng musika.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “Isa ‘yan sa nagpapasaya sa akin at nagbibigay inspirasyon hanggang ngayon sa akin.”
At upang maipakita ang kaniyang labis na paghanga at pag-iidolo sa Asia’s Song Bird, ay masayang ipinasilip ni Angeline, ang kaniyang pagpunta sa solo concert nito.

Sa kaniyang vlog, ay dito makikita ang pagpa-fangirl ni Angge sa kaniyang “forever idol” na si Regine.
Pagbabahagi ng singer, “Isang gabi na talagang excited na excited ako, dahil manonood po kami ng solo concert ni Ms. Reg.”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ayon pa kay Angge, ay ngayon na lang ulit ang unang beses na nakapanood siya ng concert ni Regine matapos ang p@ndemic.

“After pandemic, ito ulit yung unang beses na makakapanood ako ng concert ni Ms. Reg. Dahil si Ms. Regine Velasquez-Alcasid ay talagang [naka-impluwensiya sakin] sa pagkanta.” saad niya.
Sa video ay talaga nga namang makikita ang labis na tuwa at paghanga ng celebrity mom sa kaniyang iniidolo, at mula noon hanggang ngayon na siya ay may sarili ng pamilya, ay hindi pa rin nagbabago ang kaniyang paghanga rito.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ayon kay Angge, “Napakasaya ng gabi ko, ang saya-saya ng mga nangyari ngayon. Hindi ko inexpect na ganito pala talaga yung feeling, hindi nagbabago ever since na naging fan ako ni Ms. Regine Velasquez.”

Dagdag pa niya, “Napakahusay pa rin, napakaganda ni Ms. Regine hanggang ngayon. Hinding-hindi nagbabago yung paghanga ko sa kaniya, at natutuwa ako na na-experience ko ulit ito.”
Bilang isa sa mga solid fan ni Regine, ay inamin ni Angge na hindi siya nakakapunta sa mga concert nito noon, dahil wala siya umanong pera pambili ng concert ticket.

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagbabagi niya, “Hindi ako masyado nakakapanood ng mga concert na ginagawa ni Ms. Regine dati, kasi wala akong pambili ng ticket.”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Pero ‘yun yung isa sa mga napa-proud ako sa sarili ko ngayon, kasi simula nung nagkaroon ako ng regular na trabaho, every time na nagkakaroon na ng concert si Ms. Regine, ay talagang gumagawa ako ng paraan para manoood ng concert niya.”

Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

The post Angeline Quinto, hindi naitago ang pagfa-fangirl sa kaniyang “forever idol” na si Asia’s Song Bird Regine Velasquez appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments