Love story nina Sam Milby at Catriona Gray, nagbunga ng tanong kung kelan at paano ito nagsimula

Sino ba ang hindi maaakit at talagang mahuhumaling sa ganda ni Miss Universe 2018 Catriona Gray? Buong universe na nga naman ang nagpatunay ng kanyang ganda inside and out.



Credit: Catriona Gray Instagram

Kaya naman, marami din ang laging nagaabang sa love life ni Cat. Kung dumating na nga ba ang nakatadhana sa kanya.

Isa sa mga pangalan na nalilink sa kanya ay si Sam Milby. Lalo na noong May 23, na kung saan inanunsyo ni Sam sa mismong kaarawan niya kung ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa. Nagtaka tuloy ang iba kung paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito.

Credit: Sam Milby Instagram

Bagamat wala pa ring kompirmasyon kung sila na nga ba, nagsimula ang lahat noong December 2018 na kung saan binati ni Sam si Catriona sa kanyang pagkapanalo.

“Thank you for raising the flag for all Filipinos @catriona_gray !!! You truly deserve the Congrats!!! #missuniverse2018#catrionagrayflag for all Filipinos,” pagbati ni Sam.



 

View this post on Instagram

 

Thank you for raising the flag for all Filipinos @catriona_gray !!! You truly deserve the 👸🏽 Congrats!!! #missuniverse2018 #catrionagray

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on


Kaya, nakita ng ilan na tila bagay ang dalawa at linilink na. Nagkaroon ng mga sabi sabi na noong January 2019 ay nag dedate na sila pero nagkataon lang ang nakitang larawan na pareho silang bisita, pahayag ng Cornerstone, ang talent management na naghahandle pareho kay Sam at Cat.

Credit: Catriona Gray Instagram

Samantala, February 2019 naman ng mabalitaang hiwalay na sila ng kanyang long-time boyfriend na si Clint Bondad.

“When you’re together for so long and you start off from a very young age, you grow. Whether that be in your personal or in your career, sometimes you just outgrow each other,” pagbabahagi naman ni Cat.

Credit: Catriona Gray Instagram

Noong December 2019 naman na nagkaroon ng guesting si Cat kay Boy Abunda. Tinanong din siya kung ano nga ba ang meron sa kanila ni Sam.

“Sam, we go to the same church, we are under the same management, so friend naman siya,” sagot ng beauty queen.

Ngayong 2020, nagpadala ng mensahe si Sam para kay Catriona matapos magbigay ng mensahe ni Catriona kay Sam para sa kanyang birthday.



Credit: Sam Milby Instagram

Matapos nito, ito na ang naging post ni Sam sa kanyang IG.

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Kaya naman, marami ang masayang masaya para sa kanila at umaasa sa kanilang kasiyahan.

The post Love story nina Sam Milby at Catriona Gray, nagbunga ng tanong kung kelan at paano ito nagsimula appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments