Dianne Medina, bongga sa ganda at dami ng kagamitan ang kanyang walk-in closet na plano nya ring ibenta ang ilan sa mga ito

Usong uso nga naman ngayon ang mga house tour vlogs lalo na sa mga bahay ng mga kilalang celebrities. Nakaka enjoy na makita ang bahay ng mga iniidolo nating mga artista.

Kapansin pansin sa kanilang mga house tour ang mga napakalaking walk in closet. Bilang mga celebrities, kailangan nga naman talaga nila ang mga ito.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Isa sa mga nagbigay ng pasilip sa kanyang walk in closet ay si Dianne Medina. Kamakailan lang din ay nagkaroon sila ng house tour sa bahay nila ng kanyang asawang si Rodjun Cruz. Dito ay nagkapasyal na tayo sa walk in closet ni Dianne. Pero, ngayon ay mas makikita natin kung ano nga ba ang laman nito.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Makikita sa pasilip ni Dianne sa kanyang IG ay aayusin daw niya ang kanyang walk in closet lalo na at marami sa mga laman nito ay hindi na kasya sa kanya.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Since most of my clothes doesn’t fit me anymore. Time to fix my closet! I’ll be selling my items both used and brand new items Follow @diannemedinashop now #MyWalkInCloset,” saad ni Dianne.



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa walk in closet ay makikita na may sariling rack ang kanyang mga bag. Tatambad nga naman sayo ang mga mamahaling brands at puro designer bags katulad ng Gucci, Chanel, Louis Vuitton, at marami pang iba.

Siyempre, terno ng bag ang mga sapatos. Makikita mo din nga naman ang mga napakagarang mga sapatos ni Diane.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Bukod dito, makikita din ang vanity mirror ni Dianne. Habang sa kabila naman ay nandoon ang kaniyang mga accesories.


Maging ang mga kasama sa industriya ni Dianne ay hangang hanga sa walk in closet nita.

“Taray ng closet mo Mars!,” saad ni Max Collins



Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Dream closet ko yan mars!Gandaaaaa” sambit naman ni Melissa Ricks.

Samantala, maging mga netizens ay amazed na amazed din sa kanya at na-eexcite sa kanyang panganganak.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments