Lyca Gairanod, naging totoo sa kanyang sagot kung sya nga ba ay nagparetoke dahil sa napansing pagbabago ng kanyang itsura

Nauso na nga naman ngayon ang mga internet sensations at mga nag viviral sa social media. Isa na dito ay ang singer na si Lyca Gairanod. Isa sa mga nagpasikat sa kanya ay ang kumalat niyang video na siya ay kumakanta.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Ipinanganak si Lyca noong November 21, 2004 sa Cavite. Anak siya ng isang mangingisda at ang nanay naman niya ay nangangalakal ng mga bote at dyaryo. Maging si Lyca sa kanyang murang edad ay nangongolekta na rin siya ng mga plastik, bote, at iba pang mga basura.

Credit: @lycagairanod.1 instagram

Hanggang sa sumali siya sa The Voice Kids Season 1. Nakipagsapalaran siya dito at itinanghal siyang kampeon. Mula noon, ay naging sunod sunod na ang blessings sa buhay ni Lyca.

Ngayon, nasa industriya pa rin ng showbiz si Lyca. Dalagang dalaga na rin siya at siya ay 15 years old na. Mapapansin nga naman talaga na tila maraming pagbabago na sa kanya. Mula sa kanyang hitsura at dating.

Credit: @lycagairanod.1 instagram

Marami tuloy mga netizens ang umusisa at nagtanong kung nagparetoke ba o nagpaayos ba siya dahil sa mga pagbabagong kanilang nakita.

Kaya naman, sa isang video na inupload ni Lyca ay deretsahan niyang sinagot ang mga ito.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Iki-clear ko lang, hindi po ako retokada. Kahit isa hindi po ako nagparetoke. Kahit ‘yung turok- turok, ‘yung nagpaputi daw ako, hindi rin,” saad ni Lyca.

Nagbiro pa si Lyca at tila sinabi niya ang kanyang sikreto na kaya siya pumuputi ay dahil sa hindi niya paglabas ng bahay.

Credit: @lycagairanod.1 instagram

“Ang tawag don huwag lalabas ng bahay para pumuti-puti lang..Wala akong balak magparetoke ha,” dagdag pa niya.

Kaya naman, talagang nilinaw ni Lyca na wala din siyang balak na magpa retoke.

Credit: @lycagairanod.1 instagram



Samantala, marami naman ang pumuri kay Lyca at sinabing hindi naman niya kailangan ito dahil natural na rin siyang maganda. Isa pa, ang tunay na kagandahan ay hindi naman nasusukat sa pisikal kundi sa kalooban ng tao.

The post Lyca Gairanod, naging totoo sa kanyang sagot kung sya nga ba ay nagparetoke dahil sa napansing pagbabago ng kanyang itsura appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments