Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang ika-11 months old ng kanilang cute baby boy na si Amari

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Baby Amari ang isa sa mga celebrity babies ngayon na labis na kinagigiliwan ng publiko.

Dahil ito sa kanyang taglay na maamo at napakacharming na itsura, na talaga namang bumihag sa puso ng madla. Kaya naman ng siya ay ipakilala ng kanyang mga magulang sa publiko, ay marami na agad ang nakaabang sa kanyang mga cute pictures at videos sa social media.


Credit: @coleen on Instagram

Napakabilis nga naman talaga ng panahon at tila kamakailan lang ng isilang ng aktres na si Coleen Garcia ang napaka-cute na si Amari, na ngayon ay nagdiriwang na ng ika-11 months old nitong August 10, 2021.




Credit: @coleen on Instagram

At bilang selebrasyon ng ika-11 months ni Baby Amari, ay masayang nagbakasyon ang mag-asawang Coleen at TV host na si Billy Crawford sa Batangas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Sa mga larawang ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram account ay makikitang nagbakasyon ang kanilang pamilya sa The Farm at San Benito sa Lipa City Batangas, na siyang isa sa mga magagandang lugar na binabalik-balikan ng mga celebrities dahil sa taglay nitong peace at relaxing vibes.


Credit: @coleen on Instagram

Kaya naman napaka-perfect ng moment na ito para sa The Crawfords na makapag-relax at ma-enjoy ang kanilang masayang bakasyon. Samantala, kalakip naman ng pagdiriwang ng ika-11 months old ni Baby Amari ay tila hindi lamang ang mag-asawang Coleen at Billy ang labis na nag-enjoy sa kanilang munting bakasyon, kundi pati na rin ang kanilang anak ay nasulit rin ang pananatili sa The Farm.


Credit: @coleen on Instagram

Ayon kay Coleen ay na-enjoy umano ni Baby Amari ang pag-swimming at paglilibot sa golf carts, lalo na at labis raw na na-enjoy nito ang mga animals at halaman na ayon pa sa aktres ay magiging “future plantito” daw ang kanyang anak balang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“Amari appreciates this place more and more during every visit, so it’s always exciting for us. He was so happy swimming, and going around in their golf carts. He also enjoyed the animals and plants! Yup, for a baby, he actually really loves plants. 🤣 I think it’s cause pinaglihi ko siya sa plants during my nesting phase. Future plantito! 💚


Credit: @coleen on Instagram

Dahil dito ay umani naman ng napakaraming komento at likes mula sa mga netizens ang kanilang masayang litrato, at labis na pinanggigilan ang napaka-cute na si Baby Amari.




Credit: @coleen on Instagram

“So cute!! Such a happy boy with nature ☺

“Whhhyyyy he is sooooo cutteeeeeeee 😩🥰🥰🥰😍

“So cute Amari 😂😍

The post Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang ika-11 months old ng kanilang cute baby boy na si Amari appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments