Tunay ngang “It’s more fun in the Philippines”, dahil sa mga naggagandahang lugar na matatagpuan sa bansa, na talaga namang binabalik-balikan ng mga turista. Bukod sa hatid nitong relaxation at good vibes, ay perfect rin ang magagandang lugar na ito para sa iyong mga kaabang-abang na selfies.
Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel
Kaya naman ang isa sa mga tinaguriang UNESCO Cultural Heritage Site sa bansa, ay binisita ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ipinasilip ang napakagandang lugar at ang mga tinaguriang famous dishes sa Vigan City.
Sa panibagong vlog ni Zsa Zsa, ay kanyang isinama ang mga viewers sa isang exciting at fun adventure, na kung saan ay kanyang naka kwentuhan si Gov. “Manong” Chavit Singson, at kaniya ring natikman ang isa sa mga ipinagmamalaki sa probinsyang ito ang sikat na Vigan Longganisa.
Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel
Sa unang araw ng pagbisita sa Ilocos ng Divine Diva ay kanyang sinubukan ang ilan sa mga local dessert, tulad na lamang ang Patupat at Tinubong. Sinubukan rin nya ang famous Vigan Empanada at ang mga Authentic Ilocano dishes, tulad ng Pinakbet, Dinoydoy, at Poqui Poqui.
“We visited the famous Pinakbet Farm to harvest vegetables to cook for lunch! We made three famous Ilocano dishes namely, Pinakbet, Dinoydoy and Poqui Poqui.”
Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel
Samantala, hindi rin pinalagpas ni Zsa Zsa na masubukan ang pagluluto ng bagnet at ang ilan sa mga traditional activities na ginagawa sa Vigan ang paggawa ng palayok at paghahabi.
“We visited a bagnet-making place and it’s pretty interesting how much preparation is needed to make this special Ilocano dish.”
Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel
“On our second day In Vigan, we tried activities such as pottery making and also their traditional loom weaving.” dagdag pa niya.
Maliban sa mga binabalik-balikang pagkain sa Ilocos, ay binisita rin ni Zsa Zsa ang San Idelfonso City, na kung saan ay sinubukan niyang tikman ang ipinagmamalaking bulalo.
Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube Channel
Lalo na ang pinakasikat na kalye sa Vigan ang Calle Crisologo at ang sikat na Syquia Mansion Museum, na tirahan ng dating presidente ng bansa na si Elpidio Quirino at ang kanyang butihing asawa na si Alicia.
The post Zsa Zsa Padilla, masayang naglakbay pa-norte at sinubukan ang ilan sa mga sikat na pagkain at mga pasyalan sa Vigan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments