Wacky Kiray, ipinasilip ang napakagandang transformation ng kanyang bahay at ipinakita ang ibang detalye sa loob nito

Wacky Kiray, muling ipinasilip sa mga netizens ang kanyang bahay sa Quezon City.

Hindi maiiwasang ipagmalaki ng isang tao ang kanyang bahay lalo na kung ito ay kanyang pinaghirapan at ginugulan ng oras.



Credit: Wacky Kiray Youtube

Kagaya ng TV host at komedyanteng si Wacky Kiray na ibinahagi sa kanyang youtube channel ang renovated niyang bahay sa Quezon City.

“This is my house, pero hindi ganito ang itsura niya dati. Ang itsura niya dati ay parang kulungan siya ng ibon at hindi mo ma-appreciate kase ang chaka na niya at lumang bahay na siya.” aniya sa vlog.

Credit: Wacky Kiray Youtube

Tatlong beses nang naitampok sa TV ang kanyang bahay dahil sa unique na estraktura nito at dahil na rin sa kwentong buhay ni Wacky.

Credit: Wacky Kiray Youtube

“I’m sure maraming nang nakakita dito… ilang beses na kasi siyang pinakita sa Magandang Buhay, sa Rated K. pero gusto kong ipakita sa inyo ngayon yung loob ng bahay,” dagdag pa niya.

Credit: Wacky Kiray Youtube

Pinakita niya ang bawat sulok ng kanyang bahay at ibinahagi rin ang mga regalong bigay sa kanya ng mga kaibigang artista at kilalang personalidad, gaya nina Alex Gonzaga, Raffy Tulfo at iba pa.



Credit: Wacky Kiray Youtube

Sa huli ay sinabi ni Wacky kung papaano niya nakamit ang bahay na ito, “Ako ay nangarap lang po na magkaroon ng sarili kong bahay pero ngayon natupad ko na po sa tulong po ng Panginoon at sa tulong ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa akin…” masayang kwento nito.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Grabe from the looks of it. It looks like your Interior Designer was Gia Salvador! Super ganda ng house… Deserve mo to mamiiii!!”

Credit: Wacky Kiray Youtube

“You’re always be my reliever and my happy pill Mama Kiray! Fav kita sa I can do that at sa I can see your voice.”

“Grabe, ganda ng bahay, maliit lang pero ang ganda, ganda ng interior.”



Credit: Wacky Kiray Youtube

“I laughed so hard when he says best hairstyle award.”

“I was so entertained whenever u included ur parents in your vlogs, would u make a vlog quiz bee or spelling bee senior edition. Tnx and. God bless”

The post Wacky Kiray, ipinasilip ang napakagandang transformation ng kanyang bahay at ipinakita ang ibang detalye sa loob nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments