Angel Locsin, inamin na di nya pinangarap mag-artista noon sa kabila ng pagiging bibo na bata

Pagdating sa pag-arte at napakagaling na aktres, una sa listahan natin ay si Angel Locsin. Mula pa man noon, napakarami na ng mga teleserye at mga pelikula na pinagbidahan ni Angel. Lahat ng ito ay ipinakita at pinatunayan ni Angel ang kanyang galing sa pag-arte.



Credit: Angel Locsin Instagram

Pero hindi lang sa pag-arte ang iniidolo ng mga kabataan at Pinoy kay Angel, kundi maging ang kanyang kabutihan at busilak na puso. Ang pagmamahal ni Angel at pagtulong niya sa panahon ng sakuna at kalamidad ay talaga namang ikinamangha ng lahat.

Credit: Jeepney TV youtube

Bago pa man ang lahat ng naabot na ito ni Angel, nagmula din siya sa pagiging bata. Ibinahagi ni Angel ang kanyang kwento noong bata pa siya na kung saan mula pa man noon ay bibo at talented na talaga.

Credit: Jeepney TV youtube

Sa panayam niya sa Jeepney TV, ibinahagi ni Angel na noong 3 years old pa lang siya ay hilig niya talaga ang pagsayaw at pagkanta.



Credit: Jeepney TV youtube

Nang tanungin naman siya kung ano ba ang pangarap niya noong bata. Marami daw talaga siyang pangarap. Nais niyang maging doktor, guro, madre at iba pa. Di niya inasahan na pag aartista pala ang destiny niya dahil lahat ng ito ay naging role na niya.

Kinwento pa ni Angel ang kanyang karanasan sa isang pageant na naging best in talent siya kahit wala siyang hinandang talent. Naging impromptu ang lahat na kung saan kumanta, sumayaw at nagtula pa siya.

Credit: Angel Locsin Instagram

Ayon kay Angel, wala talaga sa isip niya ito pero sadyang ang gusto niya ay makatulong sa kanyang pamilya.

Bilib na bilib ang mga netizens kay Angel at narito ang kanilang mga komento:

“Ang cute ahahhaha Ang daming talent hahahhaha”

“Mula pagka bata sobrang ganda na😍



Credit: Angel Locsin Instagram

“Huhhhh….. She’s so adorable baby u more more beautiful each day. ❤ 😍 can’t wait angel she got a lil one her own.”

“So gorgeous baby to now c idol angel👍😊 love you miss angel.😊

“Bibo k NGA my darling darna angel”



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments