Cute na cute na bunsong anak ni Bangs Garcia na si Isabella, ipinagdiwang ang kaarawan at binyag nito sa London

Paniguradong marami na ang naka-miss sa aktres na si Valerie Garcia o mas kilala sa kanyang stage name na Bangs Garcia. Sa kanyang ipinamalas na husay at galing noon sa pag-arte ay marami na ang sumubaybay at sinuportahan ang kanyang showbiz career.


Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Kaya naman ng lisanin ni Bangs ang buhay showbiz at piliin ang tahimik na buhay kasama ang kanyang napangasawang Filipino-British na si Lloyd Birchmore, ay marami pa rin ang patuloy na sumuporta sa kanya, lalo na sa kanilang 2 naggagandahang mga babies na sina Amelia at Baby Isabella.




Credit: @valeriebangsgarcia on Instagram

Hindi man masilayan muli sa telebisyon si Bangs, ngayon ay masaya namang ibinabahagi ng aktres ang kanyang masayang buhay pamilya bilang isang certified vlogger na rin. Sa katunayan, ay masayang ibinahagi ni Bangs kamakailan ang 1st birthday celebration at binyag ng kanyang bunsong anak na si Baby Isabella noong July 21, 2021.


Credit: Bangs Garcia-Birchmore Youtube Channel

Sa kanyang vlog ay ipinasilip ng aktres ang kanilang inihanda ng kanyang asawa, na isang masayang teddy tastic party para kay Baby Isabella. At sa munting selebrasyong ito ay makikitang hindi lamang si Baby Isabella ang nag-enjoy, kundi pati na rin ang panganay nila Bangs na si Amelia ay nag-enjoy rin kasama ang mga kaibigan nito.


Credit: Bangs Garcia-Birchmore Youtube Channel

Pagdating naman ng August 1, ay siya namang araw na ng binyag ng kanilang anak, at makikitang hindi rin pinalagpas ang isang masarap na kainan at masayang kwentuhan kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.


Credit: Bangs Garcia-Birchmore Youtube Channel

“I pray that you will always stay calm as you are when you grow up who will always be in good control of your emotions & decisions in life.”

Ngayon na isang taon na si Baby Isabella, hangad ni Bangs na lumaki ng maayos at mabuting bata ang kanilang mga anak at patuloy silang gabayan ng Panginoon sa kanilang masayang pamilya.

“I pray that God will always guide you with His light, fill your life with joy, love & goodness; make your future bright, keep you healthy and pr0tect you forever. I also pray that God will work through me and your Dad @lloydiboi24 to raise you as a child of God whom He will be so proud of. Amen. We love you very much!!!”

The post Cute na cute na bunsong anak ni Bangs Garcia na si Isabella, ipinagdiwang ang kaarawan at binyag nito sa London appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments