Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanyang naipundar at pinaparentahan na napakagandang condo unit

Maliban sa pagba-vlog at pagiging sikat na personalidad sa industriya ng showbiz, isa na rin sa mga naging investment ngayon ng TV host na si Alex Gonzaga-Morada ay ang kanyang sariling condominium unit.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa panibagong vlog na inilabas ni Alex sa kanyang YT channel, ay isinama nya ang mga netizens sa kanyang 119 sqm. condo unit na matatagpuan sa Pasig City at ipinasilip ang before and after look ng kanyang unit.

“Well, netizens, alam niyo naman dahil kahit papano medyo matagal tagal na rin akong nag-aartista at nagva-vlog, so may mga napundar tayo.”




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Mula sa kanyang sipag sa trabaho at pagiging mahusay na content creator, ay nakapagpundar ang aktres ng kanyang sariling 2 bedrooms condo unit, na plano rin nyang iparenta dahil biro ni Alex, “kailangan kasi ng budget pangpagawa ng bahay namin ni Mikee.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Dagdag pa niya, “Sabi kasi ng aking broker na sana raw mapaayos ko ‘to, fully furnished. Para if ever mang may rerenta, papasok na lang siya.”

Kaya naman para tuluyan ng ma-rentahan ang kanyang condo, ay naisipan ni Alex na ipa-fully furnished ito at bumili ng mga furnitures na magagamit sa kanyang unit. Aniya, “Lalagyan ko na lang ng mga furniture, gaganda rin ito.”


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

“Kailangan ko nang mapuno ‘yung condo na ito para maparentahan ko na siya.”

At kasabay ng kanyang condo makeover, ay ang pagpunta rin ng aktres sa isang furniture store sa loob ng hindi pinangalanang mall at namili na ng mga magagandang furniture na sulit at swak para sa space ng kanyang condo.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Matapos ang kanyang furniture hunting ay inimbitahan nya ang kanyang ina na si Mommy Pinty at ang kanyang Uncle Jojo upang ipasilip ang naganap na makeover sa kanyang condo. At biro pa ng akres, “ililipat ko na sila dito, sila ang lilipat sa condo hindi ako.”

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanyang naipundar at pinaparentahan na napakagandang condo unit appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments