Mga napakacute na larawan at bidyo ng anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, labis na kinaaliwan ng mga netizens

Proud na proud ngayon si Sample King Jhong Hilario sa kanyang “bundle of joy” na si Baby Sarina. Kitang-kita nga naman sa mga litrato at bidyo ng kanyang anak sa social media, ay hindi maitatanggi na ito ang dahilan ng kanilang kasiyahan ngayon ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Maia Azores.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Tila ang pagdating ni Sarina sa kanilang buhay ang naging daan, upang mas lalong masulit ni Jhong at ng kanyang partner ang mga panahong kasama nila ang anak. Tulad na lamang ang madalas na pagkuha nito ng ilan sa mga cute pictures habang natutulog ang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Sa isang larawan ay makikitang magkatabing natutulog sa higaan sina Maia at Baby Sarina, at ang nakakatawang part pa nito ay ang naging tanong ni Jhong sa kanyang inilagay na caption, “So…. saan ako matutulog?”




Credit: @jhonghilario on Instagram

Mayroon din namang kuha ang mag-ina na kung saan ay tila like mother, like daughter ang kanilang naging peg, dahil sa “taas kili-kili pose” nilang dalawa sa naturang picture.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Kung ang kanilang mga larawan habang kasama ang anak ay kinaaliwan na ng mga fans, ay hindi naman magpapahuli ang mga solo pictures ni Baby Sarina na kung saan ay hindi magkamayaw ang mga fans sa taglay nitong ka-cute-an.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Sa litratong ibinahagi ni Jhong ay makikita ang iba’t-ibang wacky pose ng kanyang anak, na siyang makikita ang cute na cute na si Baby Sarina na nakasuot ng isang white sando at white headband. Makikita ang cute na smile nito habang katabi ang kanyang mga stuffed toys, at mayroon din naman itong picture na makikitang sub0 nito ang kanyang mga daliri.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


At dahil muling maisasailalim sa enhance community quarantine ang ilang lugar sa Metro Manila, kaya ang inilagay na caption ni Jhong sa naturang post ay “Pose pose lang anak. 2 weeks tayong ganyan.”

Samantala, ay isa namang cute video ang ibinahagi rin ng sample king na kung saan ay makikita ang hagikgik na tawa ni Baby Sarina habang siya ay isinasayaw ng kanyang Daddy Jhong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Tila mababakas na ang pagiging masayahing bata ni Baby Sarina sa kanyang murang edad pa lamang, na siyang hindi kataka-takang namana niya sa pagiging masiyahin ng kanyang Daddy Jhong.

The post Mga napakacute na larawan at bidyo ng anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, labis na kinaaliwan ng mga netizens appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments