Andi Eigenmann, muling binalikan ang throwback photo nila ng kanyang noong 4-month-old na panganay na si Ellie

Muling binalikan ng aktres na si Andi Eigenmann ang mga panahon na kung saan siya ay isang newbie mom pa lamang sa kanyang panganay na anak na si Ellie.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Matatandaan na sa edad na 21 taong gulang pa lamang, ay isinilang na ni Andi si Ellie, ang anak niya sa kanyang former boyfriend na isang aktor rin na si Jake Ejercito. Sa loob ng isang dekada, ay masayang binalikan ng aktres ang mga ala-alang nagbigay sa kanya ng hindi malilimutang aral at malaking biyaya sa pagdating ng kanyang “light of her life”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Makikita sa latest post ni Andi sa kanyang Instagram account ang isang B&W photo nila ni Ellie, na kung saan ay nagbigay sa kanya ng nostalgia feels. Kuha mismo ang larawan na ito noong taong 2011 ng photographer na si Roy Macam, at makikita sa kanyang inilagay na caption, “Circa 2011. 4 month old Ellie and 21 year old me! Sent to me this morning by photographer @roymacam.😃




Credit: @andieigengirl on Instagram

Sa pagbabalik tanaw ni Andi, namutawi sa kanyang isipan ang mga ala-ala noong panahon na tila kahapon lang nangyari ang lahat, dahil malinaw pa sa kanyang isipan ang mga pinagdaanan noon sa buhay. Dagdag pa niya, “It was instant nostalgia. I remember this time like it was just yesterday. Admittedly, wasn’t the best time for me in terms of my mental health, but there were hella good times too, of course.”


Credit: @andieigengirl on Instagram

Mula sa nakalipas na isang taon ay marami na rin ang nagbago sa buhay ngayon ni Andi, lalo na ang masayang pamumuhay sa isla ng Siargao kasama ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga water babies na sina Lilo at Baby Koa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Lumipas man ang panahon ay masayang ibinahagi pa rin ni Andi na, “I am always grateful for everything I went through to get here. Both the good and the bad. The lessons learned and all the blessings. Specially the greatest one of all: ELLIE! The light of my life. It’s been a decade since, and I only hope to be doing you proud as your mother.♥ miss you my girl!”


Credit: @andieigengirl on Instagram

Ngayon ay pansamantalang hindi muna makakasama nina Andi ang panganay na si Ellie, dahil kasama nito sa Manila ang ama na si Jake upang maka-bonding at gumawa ng masasayang memories kasama ang isa’t-isa.

The post Andi Eigenmann, muling binalikan ang throwback photo nila ng kanyang noong 4-month-old na panganay na si Ellie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments