Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagbahagi ng mensahe para sa ikaapat na kaarawan ng kanilang anak na si Alas Joaquin

Masayang ipinagdiwang ng celebrity mom na si Kylie Padilla, ang ikaapat na kaarawan ng kanyang panganay na anak na si Alas Joaquin nito lamang August 4.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Sa kabila ng paghihigpit sa Metro Manila bunsod ng mapapasailalim muli ang ilang lugar sa enhance community quarantine, ay siyang nakatakda rin sana ang planong camping para sa selebrasyon ng birthday ni Alas. Ganunpaman, ay masayang nairaos ni Kylie ang munting selebrasyong ito kahit sa loob lamang ng kanilang tahanan ito ipinagdiwang.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Paglalahad ng aktres, “The original plan was to go camping but since we’re transitioning into ECQ once again I decided to celebrate Alas’s birthday here at home. Masaya parin naman, this home is filled with love for him.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)


Sa post ng aktres ay kaniyang ibinahagi ang naging simpleng selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak. At makikita sa litrato ang ilan sa mga pagkaing handa ni Alas, pati na rin ang mga natanggap na regalo nito sa kanyang birthday. Hindi rin naman magpapahuli ang kanyang customized dinosaur cake, na tila labis na na-enjoy nila ng kanyang bunsong kapatid na si Axl Romeo.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Hindi man natuloy ang planong camping, ay nag-uumapaw naman sa pagmamahal ang naging mensahe ni Kylie sa kaarawan ng kanyang panganay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)


“To the boy who made me mama. To the boy that changed my life. To the boy that gave me purpose and opened up my heart. To the boy who introduced me to a better version of me. Mahal kita kuya. Happy 4th birthday. 🦖” sabi ni Kylie.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Samantala, nagbahagi rin naman ng taos pusong mensahe ang ama ni Alas na si Aljur Albrenica. Sa mga litrato at videos na ibinahagi ng aktor kasama ang anak, ay kaniyang ipinaabot ang mensahe nito at pasasalamat para kay Alas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Aniya, “Happy Birthday Anak. Nagpapasalamat ako sa blessing na binigay ka sa amin ni Ama. Wala na akong mahiling dahil kabutihan at kalinawan ang dinulot mo sa buhay namin. Proud ako Sayo, hindi ko maipaliwanag kahit musmos kapa bilang isang Tatay marami akong natututunan pa Sayo. Mahal na mahal kita at patuloy akong mabubuhay ng malakas matatag at mabuting Ama para sayo.”

The post Kylie Padilla at Aljur Abrenica, nagbahagi ng mensahe para sa ikaapat na kaarawan ng kanilang anak na si Alas Joaquin appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments