Iza Calzado, inulan ng papuri matapos lumutang ang kanyang angking ganda sa suot na captain suit

Puhunan ng bawat artista sa showbiz ang kanilang mga magaganda at gwapong mukha, dahil dito sila mas nakikilala bukod sa kanilang ipinapamalas na husay at galing sa larangan ng kanilang natatanging talento.

Mapa simple o glamour look ay talaga naman natatangi ang kanilang angking ganda at kagwapuhan, kaya naman nagsisilbi rin silang inspirasyon sa karamihan upang ma-achieve ang “gandang hindi inakala”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Tulad na lamang ang multi-awarded actress, TV personality, dance enthusiast, at WWF ambassador na si Iza Calzado, ay taglay rin ang kakaibang ganda, na siyang bumihag sa puso ng kanyang mga tagahanga.

Sa edad na 39, ay napapanatili pa rin ng aktres ang pagkakaroon ng makinis at magandang mukha lalo na ang pag-aalaga sa kanyang magandang pangangatawan. Kaya naman ang pagkain ng mga heathy foods at araw-araw na pag-eexercise, ang naging sikreto ni Iza upang mapanatiling maganda ang kanyang katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Tunay nga ang kakaibang ganda ng aktres ay isa sa kanyang naging puhunan sa showbiz, at hindi kataka-taka na napa-ibig ang isang British-Filipino na siyang asawa na ngayon ni Iza na si Ben Wintle. Ikinasal sina Iza at Ben noong December 19, 2018, sa Club Paradise sa isla ng Coron, Palawan.

Sa kanilang masayang married life ay makikita ang pagiging in love ng mag-asawa sa isa’t-isa kahit ilang taon na ang lumipas matapos sila ikasal. At kahit sa trabaho ay mararamdaman ang nag-uumapaw na pagmamahal ng dalawa.


Tulad na lamang ang ilan sa kanilang nakakakilig na litrato ng sila ay maging August cover ng isang high-society and luxury-lifestyle magazine. Makikita sa magkahiwalay na Instagram post nina Iza at Ben ang kanilang litrato na magkasama, at mayroon ding ang behind-the-scenes shoot ng kanilang naging magazine cover.

Kahanga-hanga rin naman ang naging solo picture ni Iza, na syang makikitang lumutang ang kanyang angking ganda sa suot na captain suit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)


Ayon sa kanyang caption na, “I want to get away, i want to fly away ✈ sharing a layout from our @tatlerphilippines shoot that seriously makes me miss travelling. Where would you fly off to, if you could? 💫

Samantala, ay hindi lamang ang kanyang mga fans ang nabighani sa ganda ng aktres kundi pati na rin ang ilan sa mga kaibigan at naging ka-trabaho ni Iza sa showbiz, ay namangha rin at nagbigay ng kanilang komento at papuri sa litrato ng aktres.

Ilan sa mga nagkomento ay sina Bea Alonzo, Jane Oineza, Sue Ramirez, Jodi Sta. Maria, Sylvia Sanchez, Sarah Lahbati at Bianca Manalo.

The post Iza Calzado, inulan ng papuri matapos lumutang ang kanyang angking ganda sa suot na captain suit appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments