KC Montero, ibinahagi ang masayang kulitan kasama ang cute na cute na anak na si Baby Wyatt

Maliban sa pagiging mahusay na host, radio DJ, at aktor na si KC Montero, siya rin ay kinilala sa kanyang pagiging responsable at hands-on dad sa kanyang anak na si Baby Wyatt Cody.


Credit: @kcmontero on Instagram

Nakilala sa KC sa pagiging matipuno at bruskong lalaki, kaya hindi kataka-taka na maraming kababaihan ang sa kanya ay nahumaling. Ngunit tila’y sa kabila ng pagiging tigasing ama, ay kabaliktaran naman ito ang kanyang pagiging malambing at makulit sa tuwing kasama ang anak.

Simula ng maipanganak si Baby Wyatt noong December 14, taong 2020 ng kanyang asawa na isang Fil-Am beauty queen at modelo na si Stephanie Dods, ay dito na rin mas lalong nasubaybayan ng mga fans ang cute na cute na si Baby Wyatt.




Credit: @kcmontero on Instagram

At hindi maitatanggi na sa pagdating ng anak nina KC, ay dito rin mas napalapit ang mag-ama sa isa’t-isa at madalas na masilayan ang kanilang mga cute bonding moments na magkasama.

Sa bawat bidyo ni Baby Wyatt, ay katumbas nito ang nakakagigil at napaka-cute nyang hagikgik at ang maamong mukha na talaga namang magpapalambot sa bawat puso ng manunuod.


Credit: @kcmontero on Instagram

Madalas masilayan si Baby Wyatt sa kanilang short mini lesson ng kanyang Daddy KC, at sa bawat salita o pangalan na itinuturo sa kanya ay tila’y nagkakaintindihan silang dalawa.

Samantala ay hindi lamang sina KC at Stephanie ang napapasaya ni Baby Wyatt, kundi pati na rin ang mga netizens ay aliw na aliw sa kanilang mga cute videos.


Credit: @kcmontero on Instagram

Isa na nga rito ang panibagong bidyo na kung saan ay makikitang tinuturuan ni KC si Baby Wyatt na banggitin nito ang salitang “Dada”.

Makikita sa caption ng kanyang naturang post na tila’y ‘the race is on’ talaga, at kapansin-pansin na panay ang sabi ni KC ng salitang “Dada”, upang ito ang maunang masabi ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kc montero (@kcmontero)


“The race is on for the first word. Will it be Mama or Daddy? #RaisingWyattCody”

Samantala habang hinihintay na mabigkas ito ni Baby Wyatt, ay makikita naman ang pagiging busy ng kanyang anak sa tabi. At sa tuwing binabanggit ang salitang “dada”, ay tila’y syang kapansin-pansin rin ang pagiging iritable ni Baby Wyatt sa kanyang ama.


Credit: @kcmontero on Instagram

At bago matapos ang bidyo ay isang nakakatawang eksena ang naganap, na kung saan ay hindi na napigilan ni Baby Wyatt ang maiyak at napasabi na ng “Mama” dahil sa pagiging makulit ng kanyang daddy KC.

Dahil dito ay humakot ng maraming reaksyon at komento mula sa mga netizen ang umaapaw na cuteness at good vibes na hatid ng kanilang naturang video.




Credit: @kcmontero on Instagram

“It’s Mama 😂

“Omg hahahahahahahahhaha”


Credit: @kcmontero on Instagram

“Yes it’s mama haha 😂😂😍

“HAHAHA cute!!! ❤

The post KC Montero, ibinahagi ang masayang kulitan kasama ang cute na cute na anak na si Baby Wyatt appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments