Billy Crawford, ipinasilip ang laman ng kanyang ‘secret room’ na matatagpuan mismo sa loob ng kanilang tahanan

Kung pag-uusapan lang rin naman ang pagiging isang mabuting ama at asawa sa kanyang pamilya, hindi maaaring mawala sa listahan ang celebrity dad na si Billy Crawford.

Nasilayan ng publiko ang buhay ni Billy noong siya ay isang young artist at singer pa, hanggang sa ngayon ay isa ng ganap na ama at asawa sa kanyang pamilya.


Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

Kaya naman bukod sa madalas siyang masilayan sa telebisyon bilang host at singer, ngayon naman ay ating pasukin ang munting tahanan ng The Crawfords at silipin ang isang secret room na kanyang nagsilbing sariling man cave.

Sa vlog na ibinahagi ni Julius Babao ay kaniyang ipinasilip sa publiko ang bahay nina Billy at asawa nito na si Coleen Garcia.




Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

Pagpasok pa lamang sa isang kwarto, ay aakalaing ito ay isang family room lamang. Ngunit ang hindi alam ng manonood ay sa kaliwang bahagi ng room, na kung saan naroon ang isang wooden cabinet ay tila’y ito pala ay isang sikretong pintuan na magtutungo sa’yo sa tinatawag ni Billy na kanyang man cave.

Biro pa ni Billy ay ginawa daw umano ang secret room na ito, upang kanyang magsisilbing tulugan sa tuwing galit ang kanyang asawa at sabihing siya ay matulog sa labas ng kanilang kwarto.


Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

“Ang ginawa namin dito is, ‘pag galit si Coleen sa akin, “’Dun ka matulog sa labas!” syempre at least may sarili akong condo, may sarili akong lugar.”

Ang room na ito ni Billy ay ang kanyang nagsilbing recording room, na kung saan ay makikita ang ilan sa mga naka display niyang mga record albums. At isa na rito ang sumikat noong 2002, ang kanyang Gold record album sa Belgium, ang kantang “Trackin’”.


Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

“This is my favorite area, literal na this is where I produced, this is where I make my records.”

Ilan sa mga kilalang artist at singer na rin ang nakasama ni Billy sa room na ito, tulad na lamang nina Sam Concecion, Nadine Lustre at James Reid.

At kung tatanungin naman ang isa sa mga paboritong kanta na naging memorable para kay Billy, ito ay marahil ang kanyang kantang Brand New.


Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

“I think one of the most memorable experiences was Brand New, it is a song called Brand New na nasa albums ko, the latest one.

“It’s very inspiring to be a brand-new person, ‘cause I will transform into a father, not just a husband anymore. Parang by responsibilities has gone, bigger, mas marami.”

Mula sa mga achievements na nakamit ni Billy bilang isang singer at artist, ang pagiging isang ama sa kanilang anak ni Coleen na si Amari, ang isa sa pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay ngayon.




Credit: Julius Babao UNPLUGGED YouTube Channel

“Parang every time na lang na nakikita ko yung anak ko, gusto ko umiyak, parang I will do everything for this kid, and it just feels good when my wife (Coleen), yung asawa ko, makes me feel like I’m a good father.”

The post Billy Crawford, ipinasilip ang laman ng kanyang ‘secret room’ na matatagpuan mismo sa loob ng kanilang tahanan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments