Andi Eigenmann, proud at masayang masaya para sa anak na si Ellie sa muling pagbabalik nito sa surfing

Ilan sa mga kilalang celebrity kids ngayon na talaga namang hinangaan dahil sa kanilang taglay na tapang at kahusayan pagdating sa mga beach sport activities, marahil hindi na magpapahuli diyan ang panganay na anak ng aktres na si Andi Eigenmann na si Ellie.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Mula sa pagiging isang simple, tahimik, masiyahin at supportive Ate na si Ellie, ay tila’y na-engganyo na rin siya at muling sinubukan ang surfing.





Credit: @andieigengirl on Instagram

Katulad ng mga kapatid na sina Lilo at Baby Koa na siyang tinaguriang water babies, ay ipinakita rin ni Ellie ang kanyang tapang sa pagtayo sa surfboard habang unti-unting dinadala ng mga alon sa dagat.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Makikita sa post na ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang bidyo ng kanyang panganay, na kapansin-pansin na lakas loob nitong sinabayan ang bawat alon at matapang na tumayo sa surfboard.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“She’s back on the surfboard! Took a while for her since we’ve been back a couple months now, but better late than never. Hehe”

Maliban sa pagda-dive at skateboarding, ay tila’y na-enjoy na rin ni Ellie ang pagsu-surfing, na siyang labis namang ikina-proud ni Andi pati na rin ang fiancé nito na si Philmar Alipayo at ama ni Ellie na si Jake Ejercito. “She’s been going as much as she could, rain or shine! (This is also among all the other physical activities she’s been enjoying.)”


Credit: @andieigengirl on Instagram

Simula ng umuwi ang Happy Islanders sa Isla ng Siargao noong May, ay ito rin ang unang beses na nakapag-surf muli si Ellie. At ang proud mommy na si Andi, ay ipinakita ang labis na suporta para sa kanyang anak.

“I’ve said before that I will support her in anything and everything she (and my other kids) decide to do, so long as it makes them happy.”


Credit: @andieigengirl on Instagram

Masayang masaya si Andi sa bawat achievement ng kanyang mga anak, at masilayan ang mga ito na parehas rin ang hilig pagdating sa mga beach sport activities tulad niya, ay nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

“But I must admit, it also makes me happy that a couple of these are the same things that make me happy too!😃

Tunay ngang ang 9 years old na si Ellie, ay isa na ring certified surfer girl tulad ng kanyang kapatid na si Lilo.





Credit: @andieigengirl on Instagram

Tunay ngang ang 9 years old na si Ellie, ay isa na ring certified surfer girl tulad ng kanyang kapatid na si Lilo.

The post Andi Eigenmann, proud at masayang masaya para sa anak na si Ellie sa muling pagbabalik nito sa surfing appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments