Kathryn Bernardo, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang kasintahang si Daniel Padilla at mga kaibigan sa showbiz na sina Ria Atayde, Sofia Andres, at Joshua Garcia

Hangad ng bawa’t isa ang makapag-relax at pansamantalang makalimot sa problema, kaya naman ang makapagbakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan ay isang masayang bonding.

Busy man sa kani-kaniyang trabaho ay hindi naging hadlang ito para sa ilang mga celebrities, na makapagbakasyon at maka-bonding ang kanilang mga kaibigan sa isang masayang outdoor activity.


Credit: @katdj on Instagram

Hindi na nga nagpahuli ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na nagbakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan rin sa showbiz na sina Ria Atayde, Joshua Garcia, Sofia Andres at kasintahan na si Daniel Miranda.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na ang buhay artista ay hindi madali, lalo na at kaliwa’t kanan ang kanilang trabaho kaya naman ang makapagbakasyon sa isang maganda at relaxing na lugar ay isang pribilehiyo para sa kanila.




Credit: @katdj on Instagram

Sa magkakahiwalay na Instagram post ng magkakaibigan, ay makikita ang masayang bonding moments nilang anim. At makikita rin ang lugar na kung saan ay kanilang piniling magbakasyon magkakasama.

Tila’y isang masayang camping ang kanilang ginawa, at maliban pa diyan ay kanila ring sinubukan mag-trekking at lumangoy sa ilog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“What an unforgettable time that I’d cherish forever—from building our tents, to passing through and swimming in the river, to trekking and cooking our food while having the most random conversations, and to helping each other get through muddy roads. Grabe. W!LD. 😅

Hindi man madalas masilayan sa telebisyon ang pagiging malapit nilang magkakaibigan, ay sapat na ang masayang outing na ito na kanilang ginawa na talaga namang nagbigay kasiyahan rin sa kanilang mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KATDJ (@katdj)


“I’m glad I got to experience all these with all of you. Hahaha! Thank you guys for being such troopers!”

Sa masayang camping na ito nina Kathryn ay makikita naman ang pagiging protective mom ng ina ng aktres na si Mommy Min, at pinayuhan ang anak na sana ay once a year lang daw ang camping.


Credit: @katdj on Instagram

“Sobrang pangarap as in pangarap ni Kath na mag camping talaga! Isa sa reason kaya sya nag regular schooling nung elem days nya ay makasama sa camping😊Ayan anak, na experienced mo na… pero di dapat madalas, sa school nga once a year lang ang camping🤣⛺🏞


Credit: @bernardokath on Instagram

Agad naman itong nireply-an ni Kath at sinabing, “hahaha!! Sayang naman gamit ma🤣


Credit: @bernardokath on Instagram

Kapansin-pansin rin ang natatawang komento ni Ria na syang humirit pa kay Mommy Min, na payagan sila na kung maaaring 3 o 4 na beses silang mag-camping.


Credit: @bernardokath on Instagram

“Nako tita! Sayang gamit! Tawad po ako for us, 3 times pls. Baka 4! Hahahaha”

The post Kathryn Bernardo, ibinahagi ang masayang bakasyon kasama ang kasintahang si Daniel Padilla at mga kaibigan sa showbiz na sina Ria Atayde, Sofia Andres, at Joshua Garcia appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments