Alice Dixson, masayang ibinahagi ang unang beach adventure ng kanyang baby girl na si Baby Aura

Ilan sa mga celebrity moms ngayon na proud sa bawat achievements ng kanilang mga anak, ay tulad na lamang ng aktres na si Alice Dixson at masayang ibinahagi ang milestone ng kanyang baby girl na si Aura.


Credit: @alicedixson on Instagram

Kamakailan lang ng ini-reveal ni Alice sa programang Eat Bulaga, ng siya ay mag-guest sa “Bawal Judgmental” segment, bilang isa sa mga first-time mom na nag-cecelebrate ng kanilang unang Mother’s Day. At sa kaniyang naging interview ay sinabi ng aktres na babae ang kanyang anak at ang pangalan nito ay si Baby Aura.




Credit: @alicedixson on Instagram

“Babae po ang anak ko. Her name is Aura.”

Sa latest post ni Alice sa kanyang Instagram account ay makikita ang ilan sa mga updates tungkol sa kanyang anak, at sa bawat litratong ito ay talaga namang makikita ang masayang bonding time nilang mag-ina.


Credit: @alicedixson on Instagram

Isa na rito ang bidyo nilang mag-ina na kung saan ay nag-bonding sina Alice at Baby Aura sa beach. At ayon sa caption ng aktres ay ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta ang kanyang anak sa dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


“Definite water baby. We’ve taken her to the pool several times to swim & nageenjoy nmn sya, smiling… but this is her 1st time on the beach 👣

Samantala ay makikita na ito rin ang unang beses na nakatapak si Baby Aura sa buhangin at nagtampisaw sa dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


At ngayon sa pagdating ng kaniyang anak sa buhay ni Alice at ng kanyang non-showbiz partner, ay aminado ang aktres na “halu-halong emotions” ang kanilang nararamdaman na ngayon ay natupad na ang kanyang panalangin na magkaroon ng baby.




Credit: @alicedixson on Instagram

Sa edad na 51 ay nagka-baby si Alice sa pamamagitan ng surrogacy process.

The post Alice Dixson, masayang ibinahagi ang unang beach adventure ng kanyang baby girl na si Baby Aura appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments