Kylie Padilla, hindi maitago ang excitement sa paglipat sa kanilang bagong lilipatang bahay

Makalipas ang ilang araw ng kumpirmahin ng ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla, ang naganap na hiwalayan sa pagitan ng aktres at asawang si Aljur Abrenica, ay masayang ibinahagi ni Kylie sa publiko ang bagong bahay na kanilang titirahan ng kanyang 2 anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Naging matunog man sa social media ang patungkol sa kanilang hiwalayan ng kanyang asawa, ay pinili pa rin ni Kylie ang maging pribado at tahimik patungkol sa isyung ito.

Sa kabila ng balitang ito, ay excited naman ngayon ang aktres sa kanilang paglilipat sa kanyang “new place”. At hindi maitago ang labis na kasiyahan ngayong malapit na matapos ang kanilang lilipatang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)


“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited. But of course I have to make sure that our new furniture is clean and sanitised.”

Makikita sa Instagram post at stories ni Kylie ang sunod-sunod na update sa kaniyang bahay, at ipinakita rin niya ang mga staff ng isang sanitizing services ang furnitures sa lilipatang bahay tulad ng mattress, carpet at couch.


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

“I hired @djc_sanitizing_services to do exactly that for me ✨they cleaned my mattress, our new sofa and carpets ☺ thank you to these boys for making sure our furniture is safe and clean ❤


Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Samantala sa kabila ng pagiging abala ng aktres sa bahay na kanilang lilipatan, ay makikita naman na abala rin si Kylie sa kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl. Kapansin-pansin ang pagiging hands-on mom ng aktres sa dalawang anak.




Credit: @kylienicolepadilla on Instagram

Sa kabila ng pagiging busy ngayon, ay may time pa rin ang aktres na magawa muli ang ilan sa kanyang mga hilig, tulad na lamang ang pagiging isang pintor.

Makikita sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga paintings ni Kylie na kanyang ginagawa, at tunay ngang maliban sa pagiging mahusay na aktres ay mahusay rin syang pintor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)


“My core. I miss painting.”

Napabalita ang muling pagbalik ni Kylie sa dating bahay sa Fairview, samantalang ang asawang si Aljur ay umuwi naman sa bahay ng kanyang mga magulang sa Batangas.

The post Kylie Padilla, hindi maitago ang excitement sa paglipat sa kanilang bagong lilipatang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments