Jhong Hilario, pabirong sinabi na naawa sa kanyang anak na si Baby Sarina dahil sa pagod na umano ito sa kakatulog

Sa pagdating ni Baby Sarina sa buhay ng aktor, at host na si Sample King Jhong Hilario, ay hindi na maitatago pa ang labis na kasiyahan at excitement ni Jhong na makasama araw-araw ang kanyang munting prinsesa.

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon ng ginulat ni Jhong ang publiko sa magandang balita patungkol sa pagbubuntis ng kanyang long time non-showbiz girlfriend na si Maia Leviste Azores.


Credit: @jhonghilario on Instagram

At nitong March 27, ay masayang sinalubong ni Jhong ang pagdating ni Baby Sarina. At mula pa man noon ay makikita na ang pagiging hands-on dad ng aktor sa kanyang anak.

Nasaksihan ng publiko kung gaano kahusay na aktor si Jhong, at kung gaano rin sya maging isang ama kay Baby Sarina. Kaya naman masilayan pa lamang ang mag-ama sa social media, ay talaga namang kinapupulutan na ng ngiti at tawa, ang kanilang masayang bonding moments na magkasama.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Samantala, ay isa na namang nakakatawang bidyo ang siyang ibinahagi ng Sample King sa kanyang Instagram account. At makikita sa naturang post ang bidyo nila ni Baby Sarina habang sila ay nasa kama.

Sa unang bahagi ng bidyo ay makikita ang tila’y malungkot na mukha ni Jhong, at kanyang sinabi na siya raw ay naaawa na sa kanyang anak dahil sa pagod na pagod na daw umano itong matulog.


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Naaawa na ‘ko sa anak ‘ko. Pag0d na pag0d na kakatulog.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Kapansin-pansin ang mahimbing na natutulog na si Baby Sarina sa kanyang tabi, at biro pa ng aktor na ayaw niyang makita ang anak na ito ay nahihirapan dahil sa pagkatulog.

“’Nak, sabihin mo lang ah. Kung gusto mo kami naman matulog para ‘di ka mapagod. Ayaw namin nakikita kang ganyan, okay lang kami mapagod ‘nak para sa’yo. Love you!”


Credit: @jhonghilario on Instagram

Kinagiliwan naman ito ng mga netizens pati na rin ang mga kaibigan ni Jhong sa showbiz ay nagbigay rin ng kanilang komento patungkol sa bidyo ng mag-ama.

“Pikit pikit ka din daw daddy.”

😂😍☺🙏👍 Sarap maging Tatay bro Di ba @jhonghilario”


Credit: @jhonghilario on Instagram

Samantala ay isa namang masayang bonding time ang ginawa nina Jhong at kasintahang si Maia kasama ang kanilang baby girl.

Sa post ni Jhong, ay makikita ang larawan nilang tatlo at mapapansin na sa bawat facial expression ni Baby Sarina, ay siya naman ding ginagaya ng magkasintahan.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Tunay ngang napakasaya ni Jhong kasama ang dalawang babaeng pinaka importante sa kanyang buhay ngayon.

The post Jhong Hilario, pabirong sinabi na naawa sa kanyang anak na si Baby Sarina dahil sa pagod na umano ito sa kakatulog appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments