Paolo Ballesteros, proud na proud sa anak na si Keira Claire na nagtapos ng elementarya ngayong taon

Labis ang tuwang naramdaman ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros, at hindi nga napigilan ang pagiging proud daddy sa kanyang panganay na anak na si Keira Claire na nagtapos ng elementarya ngayong taon.

Sa Instagram ni Paolo ay ibinahagi nya ang larawan ng kanyang magandang anak habang suot-suot ang toga nito.


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Maliban sa pagtatapos sa elementarya ni Keira ay tila’y namana nito ang katalinuhan ng kanyang ama, dahil kasama sa naturang larawan na ibinahagi ni Paolo ang list ng mga honor students at napabilang sa listahang ito ang pangalan ni Keira.

Sa tagumpay na nakamit ng anak ni Paolo sa pagtatapos ng elementarya ay kanya naman itong binati, at ipinaramdam ang kanyang pagmamahal at pagiging proud daddy mula sa kanyang naging caption.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)


“Congrats anak! I love you ♥♥♥ berigood 👍🏼👍🏼

Sa naging pagbati na ito ni Paolo ay marami naman sa mga netizen ang nagbigay rin ng kanilang pagbati para sa kanyang anak.

“Congratulations Baby Girl and to the proud parents! ❤👏


Credit: @pochoy_29 on Instagram

“CONGRATULATIONS Pretty Keira!!! 👏🎓👏🎓👏

“Wow❤ congratulations. Galing naman”

“Omg! dalaga na sya! Congratulations! Keira and to you too @pochoy_29 ⭐⭐⭐


Credit: @pochoy_29 on Instagram

Maliban sa katalinuhang taglay nilang mag-ama, ay mababakas rin naman ang angking kagandahan ni Keira na walang kaduda-duda ay kanyang namana sa kanyang mga magulang.

Mula sa naging interview noon ni Paolo sa Tonight With Boy Abunda, ay kanyang ibinahagi na ang kanyang mga gamit pambabae ay sinusuot rin ni Keira at marunong na rin ito pagdating sa paglalagay ng make-up.

“At saka ‘yung mga gamit ko na pambabae sa bahay, sinusuot niya ‘yung heels, nagme-makeup (gamit ang) mga makeup ko.”

Pagdating naman sa pagiging totoo at bukas ni Paolo pagdating sa kanyang tunay na kasarian, ay malugod nya namang sinagot ang tunay na reaksyon ng kanyang anak patungkol sa usaping ito.




Credit: @pochoy_29 on Instagram

“She’s very smart. Walang tanong-tanong, alam niya na ‘yon, gets na niya.”

Si Keira ay anak ni Paolo sa kanyang dating kasintahan na si Kaye Nevada, na isinilang noong November 29, taong 2008 sa US.

The post Paolo Ballesteros, proud na proud sa anak na si Keira Claire na nagtapos ng elementarya ngayong taon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments