Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, masayang ibinahagi ang kanilang “New Hobby” ngayong summer

Maliban sa pagiging isang mahusay na surfer at kinilala ng publiko bilang surfing champ na si Philmar Alipayo, ngayon ay isa na namang exciting adventure ang inyong matutuklasan sa naging bagong libangan ngayon ni Philmar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Sa inilabas na video na mapapanood sa kanilang YT channel, ay masayang ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang bagong libangan ngayon ng kanyang fiance na si Philmar, maliban sa pagsu-surf sa dagat at pagbabantay sa kanilang mga anak.

Kung kamakailan ay nagpamalas si Philmar ng kanyang husay at galing sa pagsu-surf, ngayon naman ay isang Motocross adventure ang kanyang sinubukan at nagsilbing bagong libangan nya na rin ngayong summer.




Credit: Happy Islanders Youtube

“Just recently he started his new hobby, and ang daming nagsabi na professional daw sya. Hindi naman sya professional, pero ‘yan yung ginagawa nya for his ‘me time’ with his friends.”

Sa tulong ng mahusay na Motocross rider at tinaguriang “King of Philippine Motocross” na si Bornok Mangosong, ay kanyang tinulungan si Philmar upang makahanap ng maayos at magandang motor na gagamitin para sa kanilang bagong libangan na ito magkakaibigan.


Credit: Happy Islanders Youtube

Sa video ay makikita ang kasiyahan at naging reaksyon ni Philmar patungkol dito, at sa bagong libangan nyang ito ay makikita naman ang pagiging supportive partner ni Andi para sa kanya.

“You know our lives already revolve around our children so, it’s a least we can do to help each other out and support each other na makagawa kami ng mga activities na we enjoy doing, whether it’s together or by ourselves.”

At pagdating naman sa pagiging bahagi ni Philmar sa isang sikat na talent agency, ay agad namang nilinaw ni Andi na hindi pag-a-artista ang magiging role ni Philmar, kundi ay may kinalaman pa rin sa social media na isa sa mga forte mismo ng kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


“Kasi syempre we’ve been making a lots of content and we’ve been having fun, sharing our videos with you guys, and all of this is Papa’s ideas. So, sya yung mahilig talaga – so in-offer nila si Papa to be part also but only in the parang social media aspect.”

Maliban kay Philmar ay ibinahagi din ni Andi ang kanyang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon, at ito nga ay masubukan ang boxing.




Credit: Happy Islanders Youtube

Sa naging masayang libangan na kanilang na-discover dalawa, ay masaya ring ibinalita ng aktres ang pag-uwi ng kanyang panganay na anak na si Ellie, mula sa naging bakasyon nito sa Manila upang makasama ang ama na si Jake Ejercito.

The post Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, masayang ibinahagi ang kanilang “New Hobby” ngayong summer appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments