Vin Abrenica at Sophie Albert, ipinasilip ang kanilang ginawang DIY nursery room para sa kanilang baby girl na si Avianna Celeste

Matapos ang halos ilang buwan na paghihintay ng soon-to-be husband and wife, ang aktor na si Vin Abrenica at fiancé nito na si Sophie Albert ay sa wakas ay nakalipat na sila sa kanilang bagong tahanan ngayon.

Matatandaang labis ang excitement ng dalawa sa paglipat sa kanilang bagong bahay, lalo na at kanila ng mase-set-up ang nursery room ng kanilang baby girl na si Avianna Celeste.


Credit: Vin & Sophie Youtube

“Excited na excited si Sophie na ayusin yung kaniyang nursery room. Kahit ako dun ako pinaka excited actually, everything now for Avianna dun na kami nae-excite.”

Kaya naman ang matagal na nilang inaasam ay kanila ng nagawa at mapapanood sa kanilang bagong inilabas na vlog, ang naging paghahanda nina Vin at Sophie sa pag-aayos ng kwarto ni Baby Avianna.

“Super excited about fixing the place. We don’t have plans yet for room and all, syempre what I want to do first is Avianna’s room.”




Credit: Vin & Sophie Youtube

Isang DIY set-up ang ginawa nilang dalawa para sa disenyo ng magiging kwarto ng kanilang anak, at sinimulan nila ito sa paglilinis ng mga dingding at pagset-up ng crib.

Pagpasok sa nursery room ni Avianna ay makikita ang isang couch, at ang kulambo na si Vin mismo ang nagkabit.

Tila’y mapapansin nga ang pagiging pihikan at OC ni Sophie, pagdating sa mga bagay na dapat ilagay sa loob ng kwarto.


Credit: Vin & Sophie Youtube

“Siyempre gusto niya siya yung nag-aayos, pihikan sa mga ano ‘yun eh, sa mga gamit sa bahay, kung saan nakalagay yung mga gamit-gamit.”

Busy man sa pagbabantay at pag-aalaga si Sophie sa kanilang anak, ay makikita naman ang panaka-nakang pagtulong nito at pagbibigay ng suporta at guide sa mga dapat gawin ni Vin.

At matapos ang naging pag-aayos sa nursery room ni Avianna ay masayang ibanahagi ng dalawa ang naging kinalabasan ng kanilang DIY nursery room set-up.




Credit: Vin & Sophie Youtube

Labis ang sayang naramdaman nina Vin at Sophie, lalo na at mayroon na ring sariling kwarto ang kanilang baby girl na si Avianna.

“So nice na we’re finally gonna be able to make space for our daughter and have room na for her to tummy time and stuff like that.”

The post Vin Abrenica at Sophie Albert, ipinasilip ang kanilang ginawang DIY nursery room para sa kanilang baby girl na si Avianna Celeste appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments