Eula Valdes, pinabilib ang mga netizen sa naging pagmamaneho niya ng kaniyang big bike sa gitna ng highway

Ang aktres na si Eula Valdez ay isa sa mga hinahangaan at tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz, mula sa kanyang husay pagdating sa pagiging isang primera kontrabida na talaga namang naging patok sa takilya.


Credit: @eulavaldes instagram

Ngunit ang husay ni Eula pagdating sa pag-arte ay kinabiliban rin ang kanyang ipinamalas na galing, pagdating sa pagmamaneho ng kanyang big bike. Kamakailan lang ng naging viral ang larawan ng aktres sa social media, matapos makita si Eula na minamaneho ang kanyang big bike sa gitna ng highway.




Credit: @eulavaldes instagram

Sa Instagram post ni Eula ay makikitang nakasakay ang aktres sa kanyang ipinagmamalaking expressway-legal Honda CB650R na mat 649cc engine, habang binabaybay nito ang kahabaan ng highway sa gitna ng katirikan ng araw.


Credit: @eulavaldes instagram

“Super init! Mahirap mag maintain ng bango, today you may call me Hulas Valdes😍😜
Photo courtesy of my back up he-gad nephew @ansonstan 🤪” At marahil ito ang unang beses na makita ang aktres na nakasakay sa kanyang big bike, ay umani ito ng samu’t-saring komento at paghanga ang natanggap sa kanyang mga taga-hanga.


Credit: @eulavaldes instagram

“Woahhh!! Ang cool nyo po, Ms. @eulavaldes !! Nanay nga po talaga kayo ni Rhian Bonifacio!! 😍
“Ang astiiiiiiggggg Ms. Eula❤❤❤❤


Credit: @eulavaldes instagram

“miss eula astig nyo nman po… Grbe lalo ako na amazed po… Ganda ganda na magaling na artista… Now wow tlga…. ❤❤❤❤

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes)


“Nice! Astig 😍
“Iba talaga si Madam Lucy!🙌🙌🙌




Credit: @eulavaldes instagram

Sa facebook post naman ni Eula ay kanyang ibinahagi ang paghanga sa mga delivery riders, mula sa kanilang kasipagan at pagsusumikap sa h!rap ng kanilang trabaho at araw-araw na pagsulong sa initan at haba ng trapiko sa kalsada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes)


“Bilib ako sa mga delivery riders natin na whole day nasa kalsada, wow! I-mention ko lang sa init na na experience ko kahapon, na nakihingi ako ng water sa Sucat toll gate nung kumukuha ako ng RFID, maraming salamat po.

Hindi biro trabajo ninyo! Pwede kang mag pass out sa tindi ng init ng araw! Ingat po tayo at mag baon ng tubig!” Kasalukuyang masusubaybayan si Eula sa Kapamilya teleserye na “Huwag Kang Mangamba”.

The post Eula Valdes, pinabilib ang mga netizen sa naging pagmamaneho niya ng kaniyang big bike sa gitna ng highway appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments