Ivana Alawi, nagbigay ng 150,000 cash bilang pasasalamat sa kabutihan at kasipagan ng kanyang 2 kasambahay

Ang bawat kasambahay sa loob ng tahanan ay nagsilbing ating ikalawang pamilya, at buong araw nating kasa-kasama sa loob ng tahanan.


Credit: Ivana Alawi Youtube

At bilang pagkilala at pasasalamat ng aktres na si Ivana Alawi sa kanyang mga helpers, ay naisipan nya gumawa muli ng isang prank at ang magiging kasangkapan sa plano nyang ito ay ang magkapatid na sina KC at Mae.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Kwento ni Ivana, ay galing pa mulang Cagayan noon si KC ng mag-apply ito sa kanila at mag-trabaho bilang kanilang helper, at ngayon ay halos magli-liman taon na itong naninilbihan sa kanilang pamilya.
Si KC umano ang laging kasa-kasama ng aktres sa tuwing sya ay nasa trabaho at sa tuwing kailangan nya ng tulong.


Credit: Ivana Alawi Youtube

“Siya ang aking sinasama sa mga sh00ts ko, sa taping, sa lahat kung nasaan man ako andun si KC.”

Si Mae naman ay ang nakakatandang kapatid ni KC at isang single mom na naninilbihan na rin ng halos dalawang taon sa pamilya ng aktres.


Credit: Ivana Alawi Youtube

At dahil kilala si Ivana sa pagpa-prank sa kanyang pamilya ay naisipan rin nyang i-prank sina KC at Mae, na ayon pa sa kanya ay halos 1 buwan nyang pinag-isipan ang planong ito. “Kasi ang tagal-tagal kong pinangarap ‘to yung ma-prank sila. Lagi na lang sila nandito sa bahay, kapag may mga pinaprank ako, nanonood lang sila, hindi sila nadad@may,”


Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang maisakatuparan ang planong prank ng aktres ay sa pamamagitan ng isang peke na “What’s in the Box Challenge”, ay kanyang isasakatuparan ang kanyang plano para sa dalawa.

Sa pagsisimula ng prank ay bumili si Ivana ng isang defective camera na kaparehas mismo ng kanyang ginagamit na camera ngayon sa kanyang mga videos, at ito ang magsisilbing props na kanyang gagamitin sa naturang plano.


Credit: Ivana Alawi Youtube

At dahil si KC ang tagapangalaga ng mga camera at vlogging equipments na ginagamit ng aktres sa kanyang mga vlogs, ay naisipan nya na ito ang gamitin upang palabasin na kunyaring kasalanan ni KC ang pagkahulog at pagkasira nito.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Habang ginagawa ang naturang plano ay hawak ng kapatid ni Ivana na si Hash, ang defective camera at sa pag-abot nito kay KC, ay kanyang inihulog ito sa sahig upang mas!ra. At dahil sa kunwaring pagka-inis ni Ivana kay KC ay kanyang pinabayaran ang camera sa magkapatid.

Dahil sa nakitang pagluha ni KC, ay hindi na napigilan ni Ivana na sabihin ang katotohanan na lahat ng nangyari ay prank lamang at hindi totoo. Bilang pasasalamat ng aktres sa kabutihan at kasipagan ni KC at Mae, ay kanyang binigyan ang dalawa ng pera na nagkakahalaga ng 150,000 pesos.

“They’re both amazing people, and we treat them as our family.”


Credit: Ivana Alawi Youtube

The post Ivana Alawi, nagbigay ng 150,000 cash bilang pasasalamat sa kabutihan at kasipagan ng kanyang 2 kasambahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments