Assunta De Rossi, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-7th month ng kanyang cute baby girl na si Fiore

Makalipas ang isang buwan, ngayon ay masayang ipinagdiriwang ng celebrity mom na si Assunta De Rossi ang ika-7th month ng kanyang baby girl na si Baby Fiore.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Si Baby Fiore ay isa sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media, dahil sa kanyang napaka-cute at nakaka good vibes na reaksyon na talaga namang magpapangiti sa iyong araw.

Napakabilis nga naman ng panahon at pitong buwan na ang nakakalipas ng isilang ni Assunta ang kanyang miracle baby na si Baby Fiore.




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Sa masayang selebrasyon ng ika-pitong buwan ng kanyang anak, ay nagbahagi ng larawan ang aktres sa kanyang Instagram, at makikita rito ang larawan ni Baby Fiore habang nakasuot ng isang purple dress.

Makikita sa naturang larawan na nakahiga si Fiore at kapansin-pansin ang tila’y poker face nito habang nakatingin sa ibang diresyon.

Ayon sa caption ni Assunta ay mukha daw nalugi ang naging itsura ng kanyang anak, at hindi man lang nakangiti sa naturang larawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


“Little sunshine of our lives ay mukhang nalugi. 💜😂💜😂🌸🌸🌸

Kung mukha mang nalugi sa larawan iyon, tila’y malalim naman ang iniisip ni Baby Fiore sa litratong ito at makikitang nakatingin muli ito sa ibang direksyon habang napakalalim ng iniisip.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


“The nag-iisip-ng-pautang look. Naku, ayaw ni nonna @ermatsko yan! 🤣

At kung madalas man ang pagiging seryoso ni Fiore sa mga larawan ay may mga pagkakataon din naman na masisilayan ang magagandag ngiti nito, sa tuwing kasama ang kanyang Mommy Assunta sa kanilang bonding time mag-ina.

Isa na nga sa larawang ito ay ang kanilang selfie moments, at makikita ang napaka-cute nilang wacky pose, habang mapapansing nakangiti si Baby Fiore at Assunta sa naturang litrato.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


“Wacky faces early in the morning. Ba’t si Fiore, cute pa rin? Ako, ang chaka! ☹🤣

Tila’y sa murang edad pa lamang ay hindi maitatanggi, na namana ni Baby Fiore ang angking ganda nito sa kanyang beautiful Mommy na si Assunta.

The post Assunta De Rossi, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-7th month ng kanyang cute baby girl na si Fiore appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments