Pokwang at anak na si Malia, ipinakita ang kanilang masayang bonding time na siyang hindi rin nagpahuli pagdating sa sayawan

Isa sa mga kinagigiliwang celebrity kid, at tinaguriang isa sa mga kids internet sensation ngayon ang “Tisay” na anak ng aktres at TV host na si Pokwang, at ito nga ang napaka-cute na si Malia O’ Brian.

Madalas ibahagi ni Pokwang ang mga cute at nakakatuwang video ni Malia sa kanyang Instagram at dahil dito ay hindi nakapagtataka na talaga namang inaabangan ito ng kanilang mga tagahanga sa social media.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa bawat larawan at videos na ito ng kanyang anak, ay makikita ang pagiging malapit nilang mag-ina sa isa’t-isa lalo na sa bawat trip na gustong gawin ni Malia ay siya ring labis na suporta ni Pokwang.

Talaga namang hindi mawawala ang kanilang masayang bonding lalo na pagdating sa sayawan, at makikitang hindi rin magpapahuli ang aktres sa pag-kembot at pag-giling kasama ang kanyang anak.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa video na ibinahagi ni Pokwang sa Instagram ay makikita ang video nila ni Malia habang sumasayaw, at ang nagsilbing background music ng dalawa ay ang isa sa mga sikat na kanta ng K-pop boy group na BTS.

Kapansin-pansin rin na habang sumasayaw ang mag-ina ay nakamasid naman si Lee O’Brian sa kanilang likurang bahagi habang naka-upo sa kanilang sofa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“Sigeeee!!!! Hala… sige indak pa more ahhaahahhahaaa nahilo na si papang @leeobrian samin ni tisay @malia_obrian queber hahahhaha”

Ayon pa sa caption ni Pokwang ay nahihilo na daw umano si “Papang” sa kanilang pagsayaw ni Malia.




Credit: @itspokwang27 on Instagram

Sa bawat pag-kembot at pag-sayaw nilang mag-ina ay makikita ang labis na pag-eenjoy ng dalawa, kahit iba-iba man ang steps na kanilang nagagawa ay hindi kailanman ito magiging problema.

At maliban sa pagsasayaw ay isa rin sa kanilang masayang bonding time ay ang paggawa ng mga Tiktok videos, at tila’y isa na rin si Malia sa mga certified Tiktoker dahil hindi rin sya nagpahuli at gumawa rin ng kanyang sariling video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Makikita sa Instagram post ni Pokwang ang Tiktok video ni Malia, at makikitang nili-lip sync nito ang isa sa mga children song na “Johny Johny Yes Papa”.

“Malia, malia… 🤣😆 tiktok ng tiktok!!!!”

The post Pokwang at anak na si Malia, ipinakita ang kanilang masayang bonding time na siyang hindi rin nagpahuli pagdating sa sayawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments