Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang bagong renovate at napakagandang gym sa loob mismo ng kanyang bahay

Mula sa mala mansyong tahanan ng aktres na si Bea Alonzo ay ating nasilayan ang napakagandang bahay ng aktres, pati na rin ang mga magagarang kagamitan na makikita sa loob ng kanyang tahanan.

At sa pagkakataong ito ay kanya namang ipinasilip sa publiko ang dating family room, na ngayon nagmistulang new renovated gym na ang iyong makikita.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Sa panibagong vlog na inilabas ng aktres sa kanyang YT channel ay masayang ibinahagi ni Bea, ang kanyang gym room na matatagpuan sa ikatlong palapag ng kanyang bahay.

Dahil halos lahat ay ipinag-iingat sa b@nta ng v!rus, ay naisipan ni Bea na magpalagay ng gym room sa kanyang bahay, upang mapanatili ang healthy lifestyle habang nasa loob lamang ng kanyang tahanan.

“Of course, you want to live a healthier lifestyle lalo na at may v!rus sa paligid natin.”




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Unang ipinasilip ng aktres ang kanyang nga gym equipments tulad na lamang ng mga multi-functional squat machine, treadmill, exercise bike, rowing machine at iba pa.

Bukod pa dyan ay mayroon din isang rack ng exercise balls si Bea, at pati na rin ang iba’t-ibang kettlebells, dumbbells, at weighs na kanyang ginagamit sa pag-eexercise.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Tila’y ang loob din ng gym na ipina-renovate ni Bea, ay makikitaan rin ng isang spot na pinalagay mismo ng aktres para sa kanyang kitchenette, na may bar table at stools.

Ngunit imbis na mga wine ang iyong makikita, ay puno ng mga gym towels ang inilagay ng aktres.

Makikita rin ang customize lights na pinagay ni Bea na syang napapalitan ang bawat kulay dipende sa iyong kagustuhan.


Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kapansin-pansin rin na ang kabuuang itsura ng gym room ni Bea ay may mga salamin na nakapalibot sa bawat dingding, na syang ayon umano sa kanya ay upang makita nya ang sarili habang nagwo-workout.

“Lahat na ng walls ay ginawa ko na ng mirrors because nga parang I want to be able to do different things and check on my posture and my form.”

Maliban sa mga salamin ay makikita rin ang iba’t-ibang uri ng halaman, na syang nakakatulong umano kay Bea upang makapag-relax.




Credit: Bea Alonzo Youtube Channel

“You will see a lot of different plants, I wanted to feel you know relaxing here, I want to be able to breathe whenever I’m here.”

Ayon kay Bea ang paglalagay umano ng kanyang gym sa kanyang tahanan ay hindi lamang para maging physically fit, kundi ang ma-achieve ang healthy lifestyle ay kanya umanong priority ngayon.

“I know I don’t look like your typical gym buff gal, but I’ve been trying to work on my body not just for aesthetics but more importantly, for my health. I think lahat naman tayo ay mag-aagree kapag sinabi kong health is our main priority these days.”

“Always take it one day at a time because eventually you will get there.”

The post Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang bagong renovate at napakagandang gym sa loob mismo ng kanyang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments